Love wins para kina Vice Ganda at Ion Perez!

by PEP Troika
Oct 26, 2019
Umamin na sa wakas sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa matagal nang napapabalitang relasyon nila.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime

NOEL FERRER

Finally, nagkaaminan sa It’s Showtime nitong Oktubre 26, Sabado.

Sinabi ni Vice Ganda na significant ang 10th anniversary ng programa dahil nahanap na niya ang taong nagmamahal sa kanya.

At may pag-amin na ito ay si Ion Perez, na kasabay na nagpahayag na ang minahal niya ay hindi si Vice kundi si Tutuy (ang palayaw ng simpleng Vice).

Sinalubong ito ng hiyawan at palakpakan ng Resorts World Manila.

JERRY OLEA

Love wins! Best wishes! Congratulations!

Mapangahas ang pag-amin nina Vice at Ion... ang ipangalandakan ang kanilang relasyon.

Ipagbubunyi ito ng LGBTQ+ community, maging ng kanilang fans sa madlang pipol.

Pero natitiyak kong may mga kokontra.

Ipaglaban ninyo ang inyong pag-ibig, Vice & Ion!

GORGY RULA

Masaya ang mga ganyang balita. Nagmamahalan. Hindi nagsisiraan.

Best wishes kina Vice Ganda at Ion!

Pero curious lang po ako kung ano talaga ang sexual preference ni Ion.

Siya ba ay tipong katulad din ni Vice o yung tipo ng tao na nagmamahal at hindi iniisip kung ano ang kasarian ng taong minahal niya?

Continue reading below ↓

Aamin din ba siya kung sino talaga siya?

Kung puwede sana, linawin niya iyan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umamin na sa wakas sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa matagal nang napapabalitang relasyon nila.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results