Poging baguhan, bidang-bida sa video scandal

by PEP Troika
Oct 29, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Bidang-bida sa umpukan ng mga beki ang video ng showbiz wannabe habang pinapaligaya ang sarili.

Isang minuto at anim na segundo ang haba ng sariling sikap video, at halos magsalubong ang mga kilay ni pogi habang papalapit sa sukdulan.

Urirat ng isang atrebida, shortcomings ba o big deal ang iwinagayway ni kuya?

Makailang-ulit na pinanood ng hitad ang scandalicious video, at sa tantiya niya ay lagpas sa pamantasan ang sukat at timbang nito.

Hirit ng source ng PEP Troika, “Kaya pala nag-iba ng hitsura si pogi. Katulad siya ng isang baguhang singer na nag-perform sa isang musicfest kamakailan.

“Change look si baguhang singer nang kumalat ang mahiwagang video, pero hindi nakaligtas sa matatalas na paningin ng mga beki na siya iyon at wala nang iba pa!”

GORGY RULA

Hindi na bago ang video scandal sa mga artista. Baguhan man, datihan, menor de edad o senior citizen.

Pinag-uusapan lang sandali, at makakalimutan na rin.

Continue reading below ↓

Magbida man siya o magkontrabida sa mga proyektong gagawin niya, hindi ito makakaapekto sa kanya.

NOEL FERRER

Unang-una, ang tanong ko, cynthia? Pabida-bida sa video, ha?!

Sana, makatulong sa kanya ang ginawa niyang ito.

Pero sana, may ibubuga siya sa pag-arte o kung ano mang talent sa showbiz para hindi ang video scandal niya ang maalala sa kanya ng mga tao.

Good luck!

Cynthia nga siya ulit? Hindi ko ma-memorize ang namesung!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results