Kilalang Pinay celebrity, gagawa ng soap opera sa isang major TV network sa Amerika

by PEP Troika
Oct 29, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

May malaking project na nakatakdang gawin ang magandang Pinay celebrity.

Si Pinay celebrity ay sexy, sikat, tunay na babae, okay umarte, at may dugong banyaga.

Nakiusap lang ang kampo ni kilalang female celeb na huwag muna siyang banggitin dahil hindi pa napa-finalize lahat.

Ano ba ang gagawin ni kilalang female celeb?

Isang soap opera raw ito sa isang malaking TV network sa Amerika.

Hindi pa naibigay ang buong detalye, pero nabanggit na sa PEP Troika kung sino ang Hollywood actor na posibleng gaganap na tatay niya.

Kung matutuloy ito, malaking break ito kay female celeb na ma-penetrate ang Hollywood.

Kapag na-finalize na at plantsado na lahat, posibleng ia-announce na nila ito early next year.

NOEL FERRER

OK na sa ibang bansa gumawa ng projects ang kilalang female celeb para i-maximize niya ang kanyang premium bilang world-class personality.

Teka, tama ba ang balitang hiwalay na ang kilalang female celeb sa guwapong boyfriend niya?

Continue reading below ↓

Some people were saying na it was just a matter of time bago tuluyang natuldukan ang kanilang relasyon.

JERRY OLEA

Kung hiwalay na ang kilalang female celeb at ang guwapong boyfriend niya na kilala rin ng madlang people, hindi man lang umabot sa tatlong taon ang kanilang pagmamahalan.

Wala sigurong kinalaman dito ang pogilicious actor na kaedad ng magandang female celeb.

Dalangin natin na matuloy ang pagsali ni magandang female celeb sa soap opera sa U.S.

Sana ay masustansiya ang papel niya roon, hindi guesting lang sa isang episode!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results