Pag-amin nina Vice at Ion sa Showtime wagi sa ratings; TBATS talo pa rin ang GGV

by PEP Troika
Oct 29, 2019

GORGY RULA:

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang The Boobay and Tekla Show (TBATS), at hirap pa rin ang katapat nitong Gandang Gabi Vice na palaging natatalo sa ratings.

Natutukan namin ang dalawang late-night show na ito noong Oktubre 27, Linggo, at halos magkapareho sila ng line-up ng guests at format.

Mga bading na magagaling kumanta at ang ilan ay produkto ng Idol Philippines ang guests ni Vice Ganda, at ang sa TBATS ay mga bading din na pinaglaban nila sa Miss Undas 2019.

Ayon sa survey ng AGB NUTAM, mas pinanood ang show nina Boobay at Super Tekla.

Nakakuha sina Boobay at Tekla ng 6%, at 3.7% lamang ang kay Vice Ganda.

Iyon lang talaga ang programa ng GMA-7 na consistent na mataas at hindi matalu-talo ng katapat na programa.

Pero ang ilang programa ng Kapuso network ay lumalaban pa rin sa matataas na programa ng Kapamilya network.

Kagaya noong nakaraang Sabado October 26, mataas ang Kuha Mo ni Ka Tunying Taberna ng ABS-CBN na may 8.7%, at 7.3% ang 24 Oras ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Nagtabla sa 9.4% ang TV Patrol at Pepito Manaloto.

Ang Kapuso reality show na The Clash, na patindi nang patindi ang round every episode, ay nakakuha ng 8.4%; habang ang Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home ay tumabo ng 10.4%.

Ang The Voice Kids ng ABS-CBN ay nakakuha ng 12.2% vs. Daddy’s Gurl ng GMA-7 na 8%.

Hindi ganoon kalaki ang lamang ng Maalaala Mo Kaya na may 9.9% sa Magpakailanman na 8.4%.

Noong Linggo, October 27, tumaas naman ang The Clash sa marka nitong 11.1%.

Kaya kumonti na lang ang lamang ng The Voice Kids na may 12.9%.

JERRY OLEA

Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Oktubre 26, Sabado, naka-19.7% ang It’s Showtime, kumpara sa 12.8% ng Eat Bulaga.

Noong araw na iyon umamin sina Vice Ganda at Ion Perez sa tunay na status ng kanilang relationship.

Naka-21.2% ang Kuha Mo, kontra sa 15.3% ng 24 Oras Weekend.

Naka-25.2% ang TV Patrol Weekend, kontra sa 18.8% ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Continue reading below ↓

Naka-26.1% ang Home Sweetie Home Extra Sweet, kontra sa 18.1% ng The Clash.

Naka-29.0% ang The Voice Kids, kontra sa 13.2% ng Daddy’s Gurl.

Naka-19.4% ang replay ng MMK, kontra sa 12.9% ng Magpakailanman.

Ano kaya kung mag-replay na lang muna nang mag-replay ang drama anthology na hinu-host ni Charo Santos?

Noong Oktubre 27, Linggo, naka-11% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 9.2% ng Sunday PinaSaya.

Naka-11.3% ang Banana Sundae, kontra sa 8.7% ng Dear Uge.

Naka-24.3% ang Rated K, kontra sa 17.9% ng Amazing Earth.

Naka-28.1% ang Parasite Island, kumpara sa 16.8% ng Daig Kayo ng Lola Ko. Daig na daig!

Naka-29.5% ang The Voice Kids, kontra sa 18.4% ng The Clash.

Naka-10.9% lang ang Kapamilya Super Blockbusters, kontra sa 21.5% ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Super ang lamang!

Naka-6.6% ang GGV, kontra sa 5.5% ng TBATS.

At naka-1.6% ang Miss Earth 2019 sa Sunday’s Best, kumpara sa 2.5% ng La Tomatina Festival Special sa Sunday Night Box Office.

Continue reading below ↓

Nitong Sabado at Linggo, #1 ang The Voice Kids!

NOEL FERRER

Hindi ko na nasubaybayan ang salpukan ng Sunday shows sa telebisyon.

Ganoo katotoo ang blind items na matitigbak na ang Sunday PinaSaya at ang Daig Kayo ng Lola Ko kung saan humalili si Tita Nova Villa kay Tita Gloria Romero?

Totoo kaya ito?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results