Betong Sumaya, aminadong nagbabalot ng pagkain mula sa catering

by PEP Troika
Oct 31, 2019
Betong Sumaya: "Pagkatapos po kasi ng Survivor, nandoon yung na-appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Lalo na sa pagkain. Ngayon, ayaw ko nang magtira ng kanin sa pinggan."
PHOTO/S: Arniel Serato

GORGY RULA

Bago pa ma-blind item si Betong Sumaya na nag-uuwi ng mga pagkain sa catering sa taping nila, inamin na niya sa aming matagal na niyang ginagawa ito pagka-pack up sa taping ng Bubble Gang.

Isa sa malaking nabago sa kanya pagkatapos napasama at nanalo sa Survivor Philippines 4 ay ang kahalagahan ng mga pagkaing kinakain niya.

Tinitiyak niyang walang nasasayang na pagkain sa catering, dahil ang natira ay hinihingi at inuuwi niya.

“Pagkatapos po kasi ng Survivor, nandoon yung na-appreciate mo ang mga maliliit na bagay.

“Lalo na sa pagkain. Ngayon, ayaw ko nang magtira ng kanin sa pinggan.

“Ngayon po, pag sa GMA po, pag may natitira sa midnight snacks, inuuwi ko po!” natatawa niyang kuwento sa amin.

“Pag umuwi ako sa condo, ang iba, ibinibigay ko sa dalawang guard.

“Alam nila, pag Monday, alam nila na may taping ako sa Bubble Gang, may nauuwi ako.

“'Tapos ang iba, kinabukasan, sa akin na.

Continue reading below ↓

“Hindi kasi ako nakakapagluto sa condo, e,” pahayag ni Betong.

Aligaga si Beting ngayon sa paghahanda sa kanyang first major concert na Betong’s Amazing Concert, Try Ko Lang Ha? na gaganapin sa Music Museum sa November 21.

Ilan sa mga kasamahan niya sa Survivor ay maggi-guest din sa naturang concert.

NOEL FERRER

Mabait si Betong at iyan ang karaniwang sinasabi sa akin ng mga kaibigan kong katrabaho niya.

Magaan, masaya, at propesyunal.

Sana’y suportahan ng madla ang major concert niya dahil testimony ito ng kanyang hard work.

Habang inamin niya na nag-uuwi siya ng pagkain, sa panahon ng #authenticself at pagiging totoo, may iba pa kayang aaminin si Betong?

Nandito lang tayo para suportahan siya kung anuman.

JERRY OLEA

Mabait, mapagbigay at mapagmahal si Betong.

Sabi iyan ng isa kong kaibigan na naka-bonding niya minsan sa Boracay.

Ang galing-galing niyang mag-Antonietta. Natural na natural ang kanyang pagmamaganda sa karakter na iyon.

Continue reading below ↓

Kaninong mga yapak ang susundan ni Betong bilang comedian na nagko-concert?

Kakanta kaya siya ng "Born This Way" o kaya "I Am What I Am"?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya: "Pagkatapos po kasi ng Survivor, nandoon yung na-appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Lalo na sa pagkain. Ngayon, ayaw ko nang magtira ng kanin sa pinggan."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results