Neri Naig nag-react sa umano'y making out ni Chito Miranda with "Bubble"

by PEP Troika
Nov 2, 2019
Neri Naig laughs off an Instagram direct message claiming her husband Chito Miranda was "making out" with "Bubble." She says, "Tawang-tawa talaga ako dito!"
PHOTO/S: @mrsnerimiranda

Noel Ferrer

Sa Araw ng mga Kaluluwa, para bang minulto ang relasyon ng mag-asawang Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar at Neri Naig?

O nagpapapansin lang sila sa social media?

Ipinost ni Neri sa Instagram nitong Nobyembre 1, Biyernes, ang DM (direct message) sa kanya na kesyo may nakakitang nagme-make out si Chito kasama ang isang “bubble” who turned out to be Bubbles Paraiso.

Ang hanash ni Neri sa asawa at kay Bubbles, “May kailangan ba kayong i-explain sa akin?...

“Hahaha! Tawang-tawa talaga ako dito! Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe!"

Ang tinutukoy niyang Angel ay si Angel Locsin.

Dagdag pa ng dating aktres, “Ever since hindi ko pinag-isipan ng may malisya sila Chito kasama kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito!

Continue reading below ↓

“Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila...”

May komento rito sina Angel Locsin, Chito Miranda, Neil Arce at marami pang iba.

So, iyong “You can leave anytime” na kuda ni Neri, e, vlog entry lang niya tungkol sa pagchi-cheat ng lalaki?

Bahagi pa ng pasiklab ni Neri sa IG, “Kapag hindi ka na masaya, puwedeng-puwede kang umalis. Drained ka na sa isang relationship na puro ikaw na lang ang dapat umunawa. Leave.

“Sinasaktan ka? Binubugbog ka? Leave..."

Nagre-reply si Neri sa mga nag-comment.

JERRY OLEA

Relevant ang IG post ni Neri. Marami ang naka-relate. Kahit sinabi na niyang buo ang kanyang tiwala sa asawang si Chito, iyong iba na hindi nasubaybayan ang paandar ay malamang na mag-akalang may sigalot sa mag-asawa. Kumbaga, malamang na ma-take out of context ang hugot o paandar ni Neri. Madalas mangyari iyan sa social media.

Napakaraming pagsubok na ang nalampasan nila. Pinatibay sila ng mga iyon.

Continue reading below ↓

Bahagi pa ng IG post ni Neri, “Paulit ulit na lang ang ginagawa? Panay sorry kapag nahuli? Mamiso na lang ang sorry, wala nang halaga? Nakakasawa na ba? Leave.

“Toxic friends? Lagi ka na lang pinapahamak? Lagi na lang ikaw ang umaayos kapag napahamak siya at nadadamay ka pa? Leave.

“Puro tsismisan ang grupo? Pintas dito pintas doon. Walang magandang idinudulot. Leave...”

GORGY RULA

Alamin muna natin kung totohanan na ba ito. Kasi, may sinasabi rin si Neri na abangan ang vlog niya about cheating na kasama rin daw roon si Chito.

Baka teaser na ito sa pinaghahandaan niyang vlog.

Pero kung totoo ito, hindi magandang sa social media ito ilalabas lahat. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Aubrey Miles na hindi magandang ipaalam pa sa publiko kung may problema kayong mag-asawa o mag-partner.

Pagdating sa isyu ng cheating, nabanggit din ni Aubrey na sa kanila ni Troy Montero, napag-usapan na nila na kung meron mang mag-cheat, hiwalayan na raw agad.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Ako naman pag nag-cheat ka, go. Sabi ko, pag nag-cheat tayo, ako o ikaw, walang second chances.”

Sana, hindi seryoso itong kina Chito at Neri.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig laughs off an Instagram direct message claiming her husband Chito Miranda was "making out" with "Bubble." She says, "Tawang-tawa talaga ako dito!"
PHOTO/S: @mrsnerimiranda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results