Pagdodroga ng aktor at aktres: Totoo o tsismis?

by PEP Troika
Nov 2, 2019
Last year, nahulihan silang nagma-marijuana raw. This year, cocaine na raw ang tinitira ng aktor at aktres? Totoo ba ito o tsismis lang?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Hush-hush ang tsika-tsika na nahulihan ng bawal na droga ang sikat na aktor at aktres nang magliwaliw last year sa isang sikat na tourist destination sa Ilocos Region.

Mahigpit na ipinagbabawal sa probinsyang iyon ang illegal drugs. Nakakalat sa dalampasigan ang mga security personnel na ang iba ay naka-civilian.

Sabi-sabi, nahuling nagma-marijuana ang sikat na aktor at aktres kasama ang mga kabarkada, pero nagawan nila ng paraan para magka-news blackout sa pangyayari.

Nalukring ako sa tsismis na graduate na sa Mary Jane ang sikat na aktor at aktres, at cocaine na raw ang tinitira ng mga ito. Kesyo nakarating ito sa kaalaman ng management, at pinagsabihan ang sikat na aktor at aktres na tantanan nila ang ganitong kabulastugan bago mahuli ang lahat.

Hindi kaya black propaganda lang ito sa sikat na aktor at aktres?

NOEL FERRER

Kung nagawang mag-news blackout noon, na sana ay ikinatuto na ng mga nasabing sikat na personalidad, bakit ngayon ay naglalabasan ulit iyan? Dahil ba wala na silang proteksiyon ngayon? Sayang kung tuluyan nang mabalewala ang naumpisahan at na-achieve ng dalawang personalidad na ito.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Bugbog na sa tsismis tungkol sa droga ang magkasintahang ito. Meron pang tsismis na involved sa pagpu-push itong si aktor, pero hanggang tsismis lang talaga. Mukhang paninira na lang talaga ito sa kanila! Kasi, kung totoo mang meron talagang nangyaring hulihan, lalabas at lalabas ito lalo na kung involved ang mga kapulisan. Siguro, tigilan na sila sa ganitong isyu. Parang nagsisimula sila uli ngayon, e. Tantanan na muna sila.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Last year, nahulihan silang nagma-marijuana raw. This year, cocaine na raw ang tinitira ng aktor at aktres? Totoo ba ito o tsismis lang?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results