Ariel Villasanta, isinanla ang bahay para matapos ang reality movie

by PEP Troika
Nov 2, 2019
Ariel Ramos Villasanta happily recounts how he convinced some of the biggest names in local showbiz, including Coco Martin, Eddie Garcia and Manila Mayor Isko Moreno, to do cameo roles for his movie Kings of Reality Shows: The Untold Story.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

JERRY OLEA: Nakatsikahan ko si Ariel Ramos Villasanta (ng Ariel & Maverick) via Messenger noong Hunyo 15 kaugnay sa movie niyang ipapalabas ngayong Nobyembre.

Sa panonood ko ng entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19), natunghayan ko ang trailer ng reality movie nila ni Maverick na Kings of Reality Shows: The Untold Story, kung saan kasali si Eddie Garcia.

Nitong Oktubre 22 nagpa-presscon si Ariel sa Max’s Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City, kung saan ibinunyag niyang isinanla niya ang kanyang bahay para matapos ang movie.

Matutubos ba niya ang nakasanlang bahay? Depende raw sa kalalabasan ng movie niya sa takilya pag ipinalabas na ito sa Nobyembre 27.

Kung anu’t ano man, huwag na raw tayong magulat o magtaka sakaling mabalitaan natin na sa tent na lang siya nakatira.

Ani Ariel, wala siyang budget para maipalabas sa TV ang trailer ng kanyang movie. Kaya sana raw, tulungan siya ng media people at bloggers sa promo ng movie.

Continue reading below ↓

Nitong Nobyembre 2, Sabado nang gabi, ipinost ni Ariel sa Facebook, “THE STRUGGLE IS REAL... Manual Marketing! walang budget pang promote ng movie ko sa TV *November 27 showing in cinemas KINGS OF REALITY SHOWS hahahaha (UNDAS sa North Cemetery)”

Kalakip niyon ang dalawang litrato, kung saan naipalabas sa news programs ng ABS-CBN 2 at TV5 ang poster ng Kings of Reality Shows.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mga tanong lang ito, ha, at tutulungan pa rin nating mai-promote ni Ariel ang kanyang “reality movie.”

Unang-una, bakit ka kasi gagawa ng pelikula na ipansasanla mo ng bahay?

Ikalawa, bakit papasukin mo ang pelikula kung wala kang allocation o budget para sa publicity?

Bakit?

JERRY OLEA: Ten years ago pa ang two-hour movie na prinodyus ng GMA Films kaugnay sa (mis) adventures nina Ariel & Maverick sa Hollywood.

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam ni Ariel ay may powerful na taong humarang kaya hindi naipalabas ang movie nila, kung saan tampok din ang kanyang Mommy Elvie (RIP).

“Naging pulboro na si Mommy Elvie. Nagka-cancer. Kaya tribute ko sa kanya itong palabas na ito,” lahad ni Ariel sa mediacon.

“Bago siya napulbos, nakasali siya... nakasali siya sa movie.”

Cremated si Mommy Elvie.

“Kasi ginawa ko roon sa ataul, ipina-raffle ko,” napangiting pagbibiro ng comedian.

Nasibak ang TV show nila ni Maverick. Na-depress si Maverick at walong taon na raw itong nagkukulong sa bahay. Maski kay Ariel ay ayaw magpakita o makipag-usap ito.

Bilang struggling artist, gusto ni Ariel na maipalabas ang ginawa nilang movie. Para mabili ang rights sa GMA Films at makapag-shoot ng bagong footages, isinanla ni Ariel ang kanyang bahay.

Isang oras na lang ang Hollywood part ng movie.

“Gusto ko lang mai-share ito, kasi ito ang kauna-unahang reality movie,” matatas pang lahad ni Ariel.

Continue reading below ↓

“Gusto kong makakita sila ng iba. Ibang klaseng comedy. Hindi slapstick. Hindi scripted. Medyo kaiba ito.

“Iba ang humor nito. Kaya parang hindi ko maiwan-iwan ito. Kasi naniniwala ako na maraming mapapasaya itong ginagawa ko.

“Kumbinasyon ito ng 10 years ago, at may recent ako, kaya andito si Mayor Isko [Moreno]. Andiyan si Coco Martin, si Empoy, si Jose Manalo. Si Mayor Sara Duterte, si Senator Trillanes, si Senator Manny [Pacquiao]—iyon yung mga recent ko.

“Si Manoy [Eddie Garcia], nakunan one and a half months bago siya naano. Iyon ang mga recent.

“Suwerte nga, e. Walang bayad ‘yon. Una, sabi ko, ‘Sir Eddie, puwede bang mag-invite lang kayo?’ ‘Hindi, isali mo ako diyan!’

“Ambait, e! Walang bayad. Nakakatuwa. Nakakatuwa talaga! Hindi mo ine-expect na gano’n!

“Si Coco, nag-cameo rin siya. Kaya naisali ako minsan sa FPJ’s Ang Probinsyano. Aksidente lang ‘yon. Kasi lumapit lang ako sa kanya para nga mag-cameo role.

Continue reading below ↓

“'Tapos, ang sabi ni Coco, ‘Ariel, may bagay sa ‘yo! Halika na!’ Three months din ako doon.”

Siyempre, may bayad ang paglabas ni Ariel sa #1 teleserye na tinatampukan ni Coco.

“Sabi ko, kailangan ko ng pamalengke!” bulalas pa ni Ariel.

Hindi niya binayaran si Coco sa pag-cameo nito sa kanyang reality movie.

Pakli ni Ariel, “Binigyan ko siya ng atsara—favorite niya.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariel Ramos Villasanta happily recounts how he convinced some of the biggest names in local showbiz, including Coco Martin, Eddie Garcia and Manila Mayor Isko Moreno, to do cameo roles for his movie Kings of Reality Shows: The Untold Story.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results