Aubrey Miles, Troy Montero planong magpakasal sa Machu Picchu, Peru

by PEP Troika
Nov 3, 2019
Aubrey Miles still wants to seal 17-year relationship with Troy Montero with a wedding, for the sake of their children.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Umabot na ng 17 years ang pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles, pero hindi pa pala sila kasal.

Napag-usapan lang ito noong mediacon ng pelikula niyang Santigwar dahil nagpakasal na pala si KC Montero sa non-showbiz girlfriend nito kamakailan sa Amerika.

Hindi na sila naimbitahan ni KC dahil simple lang at tahimik na seremonya ang gusto nito.

Kaya tinanong na rin ng PEP Troika si Aubrey kung may plano na rin ba sila ni Troy na magpakasal.

“Plano naman namin,” pakli ni Aubrey.

Napapag-usapan na raw nila minsan, at nagtanung-tanong na rin daw si Aubrey sa lugar na posibleng pagkasalan nila.

“Gusto ko medyo wild, like… gusto ko sa Peru, sa may Machu Picchu.

“Tinanong ko na, puwede naman,” napapangiting pahayag ng aktres.

Gusto raw nilang i-relate ang kanilang pagsasama sa tibay at sobrang taas ng naturang sikat na archaeological site.

“Kasi sa tagal ng relationship namin, parang wala na kaming kailangang patunayan, e,” pakli ng sexy actress.

Continue reading below ↓

Kung siya ang masusunod, okay na sa kanya kahit hindi na sila magpakasal ni Troy, pero kailangan lang nilang gawin para sa kanilang mga anak.

JERRY OLEA

Maligaya tayo para kina Troy at Aubrey, at hangad natin na forever ang kanilang pagmamahal—kasal man sila o hindi.

Pinagtibay ng panahon at mga pagsubok ang kanilang pag-ibig, at ipagdiriwang natin iyon sa ating mga puso!

NOEL FERRER

OK naman na may basbas na ng Sakramento ang kasal ni KC, at napapanood siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hintayin na lang natin kung kailan sina Aubrey at Troy na matagal na rin ang inabot ng pagsasama.

Teka, may soap ba si Aubrey? At si Troy, ano na ang nangyari sa kanyang pagdidirek?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aubrey Miles still wants to seal 17-year relationship with Troy Montero with a wedding, for the sake of their children.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results