Kontrobersiyal na aktres, mahiwaga ang sadya sa probinsiya

by PEP Troika
Nov 3, 2019
Guess why this controversial actress has been frequenting the South lately.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Paboritong bakasyunan ng isang controversial actress ang isang lalawigan sa Katimugan.

BFF (best friend forever) niya roon ang isang yayamaning babae. Tamang duda ang iba sa closeness ng dalawa.

Nagka-clash ba ang kanilang cymbals?

Nag-cross ng fingers ang source ng PEP Troika habang nilalantakan ang bibingka ni Aling Bebang.

“No! No! No!” talak ng aming source.

“Magkaibigan lang talaga sila, nagtutulungan at nagdadamayan sa hirap at ginhawa!”

Kung gayon, bakit madalas doon ang kontrobersiyal na aktres?

Ang sabi ng insiders, nagpapaturok ang aktres ng gamot sa isang ospital ng lalawigan, kung saan powerful ang yayamaning kaibigan.

Pampakalma ang naturang gamot, na mahirap bilhin sa Kamaynilaan kung walang prescription ng doktor.

Kaya kung pakiwari ng controversial actress ay magkakaroon siya ng panic attack, agad-agad siyang nagbabakasyon sa nasabing probinsiya at nagpapaturok ng gamot.

Mistulang second home ng controversial actress ang mansion ng yayamaning kaibigan.

Laging bukas ang pintuan ng mansion para sa kontrobersiyal na aktres kailanman nito naisin ang magbakasyon.

Continue reading below ↓

Kapag umaga at hapon, tulog na tulog doon ang aktres. Relaxed na relaxed.

Pagsapit ng dapithapon ay gising na ang kontrobersyal na aktres, at kasama ang yayamaning kaibigan sa pagliliwaliw.

GORGY RULA

Parang knows ko yung yayamaning babae na lagi kong nakikita sa mga IG post ng kontrobersiyal na aktres.

Ang dinig ko, ang dali raw mag-adjust doon ni controversial actress.

Nakaka-blend siya dahil knows niya ang lengguwahe sa naturang lugar. Kaya wah pagka 'lost in transition' si ate.

Magugulat pa ba tayo kapag isa sa mga araw na ito ay isasama niya roon ang pinakamamahal niyang mommy?

NOEL FERRER

Mahiwaga talaga ang liaisons ng aktres na ito.

And usually, sponsorship ang ties that bind sa kanya.

Teka, ano na ba ang nangyari sa showbiz projects sana niya?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Guess why this controversial actress has been frequenting the South lately.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results