18 Pinoy films, nakatakdang ipalabas ngayong November 2019

by PEP Troika
Nov 4, 2019
(Clockwise) Lovi Poe and Joem Bascon in The Annulment; Jasmine Curtis-Smith and Ruru Madrid in Cara X Jagger; and Alice Dixson and Aga Muhlach in Nuuk.

JERRY OLEA

Nagsisimula na ang promo ng walong official entries sa 45th Metro Manila Film Festival, kung saan frontliners sina Vice Ganda & Anne Curtis, Coco Martin, Ai-Ai delas Alas & Jennylyn Mercado, at Vic Sotto & Maine Mendoza.

Bago ang December filmfest, 18 pelikulang Pinoy ang ipapalabas sa mga sinehan ngayong Nobyembre.

Magmistula kaya silang magkakapatid na nagsasampalan at nagsasabunutan sa takilya?

Walong indie films ang official entries ng 15th Cinema One Originals (Nobyembre 7-17):

Utopia nina Joem Bascon, Enzo Pineda & Ahron Villena.

Yours Truly, Shirley nina Regine Velasquez & Hashtag Rayt Carreon.

Tia Madre nina Cherie Gil & Jana Agoncillo.

Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo nina JC Santos & Jane Oineza.

Sila-Sila nina Gio Gahol & Topher Fabregas.

O nina Jasmine Curtis-Smith & Anna Luna.

Metamorphosis nina Gold Aceron, Ivan Padilla, Yayo Aguila & Ricky Davao.

Lucid nina Alessandra de Rossi & JM de Guzman.

Sa Nobyembre 6, Miyerkules, magpapakitang-gilas ang Cara x Jagger nina Jasmine Curtis-Smith & Ruru Madrid, at Nuuk nina Aga Muhlach & Alice Dixson.

Continue reading below ↓

Jasmine vs Jasmine!

Overlapping ang showing ng O at Cara x Jagger, at isa rin si Jasmine sa mga bida ng MMFF 2019 entry na Culion.

Sa Nobyembre 13 magsasalpukan ang The Annulment nina Joem Bascon & Lovi Poe, The Art of Ligaw nina Epy Quizon & KZ Tandingan, at Two Love You nina Yen Santos, Lassy Marquez & Hashtag Kid Yambao.

Joem vs Joem!

Overlapping ang showing ng movies niyang Utopia at The Annulment, at kasali siya sa Culion at Write About Love na entries sa MMFF 2019.

Sa Nobyembre 20, magpapasiklab ang titibu-tibo na Adan nina Rhen Escaño, Cindy Miranda & Epy Quizon, at musical na Damaso ni Arnell Ignacio.

Back-to-back ang movies ni Epy!

At sa Nobyembre 27, itatanghal ang Kings of Reality Shows nina Ariel & Maverick, The Heiress nina Maricel Soriano, Sunshine Cruz & Janella Salvador, at ang kapana-panabik na Unbreakable nina Bea Alonzo, Richard Gutierrez & Angelica Panganiban.

Continue reading below ↓

Huwag tayong mag-ghosting sa movie ni Bea!!!

NOEL FERRER

Too many films, too little time.

At hanggang ngayon, hindi tayo sinasagot ng contact natin sa mga sinehan kaugnay sa kinahinatnan ng dalawang bagong pelikulang Pilipino na nagbukas last week.

Dahil ba naghingalo agad sila sa takilya? Sayang naman kung ganoon!

GORGY RULA

Malaking challenge ito sa mga pelikulang ipapalabas pagpasok ng buwan ng December.

Kasi, December 25 na magsu-showing ang walong pelikulang kalahok sa MMFF. Kaya madalas, hindi na talaga pinapansin ng moviegers ang mga ipinapalabas ng first week ng buwang ito.

Sa December 4 na raw ipalalabas ang Christian movie na Kaibigan na iprinodyus ng magulang ng Perkins twins na sina Jesse at Christian Perkins.

Tampok dito ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin, na may kinakabit talaga sa ipinu-post nilang father of Hailey Baldwin and father-in-law of Justin Bieber.

Si Cesar Montano ang direktor nitong kasama rin sa pelikula pati ang mga bigating veteran actors na sina Tirso Cruz III, Jean Garcia, Lani Mercado, Boots Anson-Rodrigo, at marami pa.

Continue reading below ↓

May premiere night sila na gaganapin sa SM Megamall sa December 3.

Teka, matatapos na ang taon, hindi pa rin pala nasunod ang Friday showing. Maisasatupad na kaya ito sa susunod na taon?

JERRY OLEA

Ang buwan na pinakamaraming pelikulang Pinoy na nag-open ay Agosto 2018.

Ginanap noon ang dalawang indie filmfest — ang 14th Cinemalaya at 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sampu ang kalahok sa Cinemalaya 2018 (Agosto 3-12) — Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon, Pan de Salawal, ML, School Service, Distance, Kuya Wes, Liway, Mamang, The Lookout, at Musmos na Sumibol sa Gitna ng Digma.

Walo ang entries sa PPP 2018 (Agosto 15-21) — Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, Bakwit Boys, The Day After Valentine’s, Signal Rock, Unli Life, We Will Not Die Tonight, Madilim Ang Gabi, at Pinay Beauty.

That month din ipinalabas ang Buy Bust, Harry & Patty, Dito Lang Ako, The Lease, Miss Granny, at ang KathNiel movie na The Hows Of Us (ang pinakamalakas na movie ng 2018, at tinanghal na pinakamalakas na Filipino film sa kasaysayan... bago kinabog ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye).

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Lovi Poe and Joem Bascon in The Annulment; Jasmine Curtis-Smith and Ruru Madrid in Cara X Jagger; and Alice Dixson and Aga Muhlach in Nuuk.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results