Bayang Barrios, nag-organisa ng OPM benefit event para sa North Cotabato quake victims

by PEP Troika
Nov 4, 2019
Bayang Barrios at Ang Naliyagan, pangungunahan ang OPM jamming night para makatulong sa mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato.
PHOTO/S: Bayang Barrios Villegas Facebook

JERRY OLEA:

Nag-Facebook Live Session si Bayang Barrios at Ang Naliyagan nitong Nobyembre 4, Lunes ng 5 P.M.

"Ito lang po yung naisip naming paraan para makatulong kami sa Mindanao, particularly sa North Cotabato," pahayag ni Bayang.

"Malaki-laki po ang pinsala doon at maraming mga kabataan din, mga bata, nawalan ng mga eskuwelahan."

Inilagay ni Bayang ang bank account details ng pinagkakatiwalaan niyang organizations na magdadala ng tulong sa mga nasalanta ng lindol:

1. Balay Mindanao Foudation Inc. (EastWest Bank Current Account: 200040008313) at

2. Pueblo de Oro, CDO Central Mindanao Colleges (BDO Savings Account: 332 000 1560).

"Ito po ang aming maliit na paraan para makatulong," sabi pa ni Bayang.

Ibinalita rin ni Bayang ang gagawing fund-raising event ay gaganapin sa 70s Bistro sa 46 Anonas Street, Quezon City, sa Nobyembre 12.

Ilan sa OPM singers na nagkumpirmang magpe-peperform sa event ay sina Joey Ayala, Gary Granada, Cookie Chua, Kakai Bautista, Pepe Herrera, at Noel Cabangon.

Continue reading below ↓

"Sana, mas marami pa ang mga kababayan nating artists na tutulong," panawagan ni Bayang.

"Kung dadami, kahit maliit lang na halaga, lalaki din iyan."

NOEL FERRER:

Kung may Angel Locsin (sa TV at politika) na nagbibigay ng tulong nila for a good cause sa mga nasalanta ng lindol, heto si Bayang Barrios naman ang nangunguna lalo na sa mga mang-aawit na taga-Mindanao.

Imbes na gawing joke at meme ang mga ito, tulad ng nagkalat sa social media, tumulong na lang, di ba?

At huwag nang haluan pa ng politika!

GORGY RULA:

Mabilis talaga tayong makaisip ng paraan para makatulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng naturang trahedya.

Napatunayan iyan sa dami ng mga pinagdaanan natin.

Pero paulit-ulit na lang, nasaan na iyong mga tulong na dapat iparating sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda?

Eto, may bago na naman. Nagkakapatung-patong na. Patung-patong na rin na napakinabangan ng iba.

Sana, makonsensiya na ang iba ngayon at iparating na talaga ang mga tulong.

Continue reading below ↓

Nagsimula na kasing mamalimos ang ilang kababayan natin sa North Cotabato. Nakakapanlumo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayang Barrios at Ang Naliyagan, pangungunahan ang OPM jamming night para makatulong sa mga nasalanta ng lindol sa North Cotabato.
PHOTO/S: Bayang Barrios Villegas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results