Dating aktor na si Edgar Mande, bumisita sa Pilipinas

by PEP Troika
Nov 5, 2019
Dating matinee idol na si Edgar Mande, na naka-based na ngayon sa U.S., dumalaw sa Pilipinas at nakipagkita sa mga kasabayan niya sa showbiz kabilang si Ronnie Ricketts (kanan).
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Dumating at umalis agad ang star noong 1980s hanggang 1990s na si Edgar Mande.

Kasama ni Edgar ang kanyang lady love na si Ramona Fabie at pumunta sila ng Boracay.

I was supposed to have an interview with him.

Kaso, umalis na sila pa-Hong Kong nitong Nobyembre 5, Martes ng umaga, bago tumuloy pauwi sa U.S. kung saan lagi ko silang nakikita kapag nasa Los Angeles kami ni Tito Alfie Lorenzo dati.

Bago umalis si Edgar, nakasama niya ang kanyang mga kapanabayan na sina Lito Pimentel, Ronnie Ricketts, at Bembol Roco sa isang salu-salo sa Podium.

Continue reading below ↓

Ipinangako ni Edgar na matutuloy ang aming interbyuhan pagbalik niya sa May 2020 dahil sa napipinto nilang kasal ng kanyang kasintahan ngayon.

Mga, Ka-Troika, ano ang pagkakaalala ninyo kay Edgar Mande?

JERRY OLEA

Friends kami ni Edgar sa Facebook kaya nasubaybayan ko ang posts niya sa pagbabakasyon nila ng kanyang love love love, na merong pa-hashtag na #MandeToBeTogether.

Continue reading below ↓

Marami siyang nagawang movies kabilang ang Kirot (1983) na launching movie ni Stella Strada, Uhaw sa Pag-ibig (1984) with Claudia Zobel & Lito Pinentel, Iiyak Ka Rin (1983) with Julie Vega & Leni Santos, Galawgaw (1982) with Maricel Soriano & William Martinez, at Gabi Kung Sumikat Ang Araw (1983) with Gina Alajar, Charito Solis & Sandy Andolong.

Nawa’y matuloy ang in depth interview mo sa kanya, Sir Noel. Marami siyang maibabahaging anekdota!

GORGY RULA

Noong kapanahunan ng mga dating alaga ni Tito Alfie Lorenzo, si Edgar ang isa sa may pinakamagandang mukha.

Continue reading below ↓

Puwedeng-puwede pa siya ngayon sa character roles o major support gaya ng mga project na ibinibigay sa kasabayan niyang si Lito Pimentel.

Active na active pa rin si Lito, pati ang isa pang kasabayan nilang si Rey “PJ” Abellana. Kaya puwedeng-puwede pa siyang makabalik at mabigyan ng magagandang project.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dating matinee idol na si Edgar Mande, na naka-based na ngayon sa U.S., dumalaw sa Pilipinas at nakipagkita sa mga kasabayan niya sa showbiz kabilang si Ronnie Ricketts (kanan).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results