Michael V, gaganap bilang Alan Peter Kuya Thanos sa Avengers parody ng Bubble Gang

by PEP Troika
Nov 5, 2019
Michael V, sinigurong laugh trip ang viewers sa two-part anniversary special ng Bubble Gang na The ScAvengers.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA:

Tuloy pa rin daw si Michael V sa pagdidirek ng pelikula at pagpu-produce sa ilalim ng kanyang Mic Test Entertainment, kahit hindi gaanong impressive ang box-office performance ng first directorial project niyang Family History.

Marami siyang natutunan at good experience daw ito sa kanya bilang director at producer.

Hindi raw niya kayang mag-produce mag-isa kaya kung makakita siya ng co-producer, gusto niyang gumawa ulit ng isa pang pelikula next year.

"We’re looking for the right partner na magku-co-prod.

"Yung project will depend upon sa partner. Kasi, parang feeling ko, parang hindi pa time para mag-produce ng movie on our own.

"Hintayin natin yung tamang partner," pakli ni Direk Bitoy sa mediacon ng 24th anniversary celebration ng Bubble Gang nitong Nobyembre 4, Lunes ng tanghali, sa GMA Annex, Quezon City.

Natutuwa siya sa magagandang feedback sa Family History, pero medyo nakulangan siya sa promo nito.

"Mostly positive ang feedback. Yung awareness lang, hindi gaanong ka-satisfactory.

Continue reading below ↓

"Sana naipalaganap pa. Sana naging maingay pa.

"At least, I got the reaction that I wanted. Yung mga inaasahan kong matutunan ko, natutunan ko rito," sabi pa niya.

Samantala, masaya si Direk Bitoy sa magandang feedback sa Bubble Gang na magsi-celebrate ngayon ng kanilang 24th anniversary.

Sa November 15 at 22 ay mapapanood ang anniversary special nito na pinamagatang The ScAvengers.

JERRY OLEA:

Sampung araw kinunan sa studio ang two-part superhero telemovie special na The ScAvengers, na parody ng Avengers.

Ani Michael V, "Parang wala lang ito, pero meron. Meron!"

Pangungunahan ito ng Kapuso Comedy Genius bilang kontrabidang si Alan Peter Kuya Thanos, na naglalayong lipulin ang kalahati ng populasyon ng universe sa isang pitik ng kanyang mga daliri.

"Expect the unexpected. Lahat ng mga trip ninyo talaga, mapapanood ninyo dito!” bulalas ni Bitoy.

"Even sa YouTube, sa social media, may mga nag-aano sa akin, e. May mga nag-e-encourage sa akin na gumawa ng parody.

Continue reading below ↓

"So, ito na yung inaantay ninyo. Eto na."

Kinarir nila ang palabas, pati ang special effects.

"Oo, nakita niyo naman, sa trailer pa lang—yung effects, yung choreography.

"Iyong story, medyo mababaw talaga. Ito yung typical na parody ng mga pelikula na napapanood ko noon. Mga Dolphy-Panchito before, saka kay Chiquito.

"Merong isang YouTube video kami na napanood na parang Marvel versus DC, na nag-inspire sa amin to do just that flavor na magugustuhan talaga ng mga fans."

Ang ScAvengers na kakalaban kay Alan Peter Kuya Thanos at magliligtas sa sanlibutan ay sina Thorpe/Tor (Antonio Aquitania), Plantsa Man/Mr. Tonio (Paolo Contis), Black Panty/Tasia (Kim Domingo), Captain American Tiki-tiki/Esteban (Boy2 Quizon), Hukay-Ukay/Boy Pana (Sef Cadayona), Hulkluban/T’yo Bruce (Betong Sumaya), Regyula (Analyn Barro), Squatterman/Pedrito (Mikoy Morales), at Gumorah (Chariz Solomon).

Papapel bilang mga alipores o chuwariwap ni Alan Peter Kuya Thanos sina Valeen Montenegro, Lovely Abella, Arra San Agustin, Jak Roberto, at Denise Barbacena.

Continue reading below ↓

Naatasang gumanap na taumbayan sina Arny Ross, Liezel Lopez, Roadfill, Mykah, at Diego.

Natatangi ang papel ni Archie Alemania bilang Mang Stan.

May cameo sina Manila Mayor Isko Moreno at Jacob Batalon.

NOEL FERRER:

Sa usaping pagproprodyus ng pelikula, maraming gustong makipag-partner with Bitoy!

Nandiyan ang APT ng boss din niyang si Mr. Tony Tuviera.

Alam ko malapit din siyang kaibigan ni Tita Malou Santos, who in our radio program expressed her wanting to partner with Bitoy na kinabibiliban niya dati pa noong Kapamilya pa raw ito.

At siyempre, may mga bagong progressive producers na gustong maka-collab si Bitoy.

I only wish Bitoy and wife Carol the best.

Maraming pinagdaanan ang pamilya nila ngayon lalo pa’t kamamatay lang ang tatay ni Bitoy.

I pray for more blessings for their family.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V, sinigurong laugh trip ang viewers sa two-part anniversary special ng Bubble Gang na The ScAvengers.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results