"Buwan" ni JK Labajo, mabenta sa mga pelikula at concerts

by PEP Troika
Nov 6, 2019
Pagkatapos gamiting theme song ang "Buwan" sa pelikulang Isa Pa With Feelings, maririnig muli ang hit song na ito ni JK Labajo sa pelikulang The Art of Ligaw, kung saan may bagong version sina JK at KZ Tandingan.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Bentang-benta ang "Buwan" noong nakaraang buwan, kahit kinabog ito ng "Tagpuan" ni Moira de la Torre bilang Song of the Year sa 32nd Awit Awards noong Oktubre 10 sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Theme song ang "Buwan" ng pelikulang Isa Pa With Feelings na nag-showing noong Oktubre 16.

Sumayaw sa saliw nito sina Carlo Aquino at Maine Mendoza.

Inawit ni Sharon Cuneta ang "Buwan" sa Iconic concert nila ni Regine Velasquez noong Oktubre 18 & 19 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Sa 2nd Pinoy Playlist (Oktubre 11, 12, 13, 18, 19, 20 sa BGC Arts Theater) ay tatlong bersiyon ng "Buwan" ang napanood ko sa Globe Auditorium — Bugoy Drilon, Gerphil Flores, at Pundaquit Virtuosi (18 violinists at 3 cellists, string orchestra mula Zambales).

Sabay-sabay ang tatlong concert sa tatlong magkakaiba at magkakalapit na puwesto ng nasabing musicfest, kaya hindi ko batid kung may iba pang nag-"Buwan."

Continue reading below ↓

Bago natapos ang Oktubre ay inilabas ng PMPC ang nominees sa 11th Star Awards for Music.

Nominado ang "Buwan" bilang Song of the Year, kalaban ang "Chambe" (Alex Gonzaga), "Dalaga" (Allmo$t), "Hindi Na Nga" (This Band), "Ikaw At Ako" (Moira dela Torre & Jason Marvin), "Kahit Ayaw Mo Na" (This Band), Kung ‘Di Rin Lang Ikaw (December Avenue feat. Moira dela Torre), at "Sana" (I Belong To The Zoo).

Inaayos pa ang schedules kaya hindi pa naihayag kung saan at kailan ito gaganapin.

Ipalalabas sa Nobyembre 13 ang pelikulang The Art of Ligaw, kung saan kinanta nina JK Labajo at KZ Tandingan ang "Buwan."

Ang ganda ng kanilang eksena!

GORGY RULA

Mas gusto ko ang pagkalapat ng "Buwan" sa The Art of Ligaw (TAOL) kesa sa Isa Pa With Feelings.

Sa TAOL, si JK mismo ang kumakanta at sinasabayan pa ni KZ Tandingan na magaling din ang version.

May ilang eksena pa sa TAOL na nagagamit ang naturang kanta, pero iba ang pagkaareglo at maganda naman.

Continue reading below ↓

Mukhang marami pang paggagamitan ng kantang ito, pero wala pang kasunod na hit song si JK.

Nag-iisip na raw sila ngayon ng bagong pasisikatin niya. Pero mas naka-focus pa yata siya ngayon sa pagpapayat.

NOEL FERRER

Nakakakaba ang paggamit ng "Buwan" sa pelikula.

Sa kantahan, wagi siya!

Sa pelikula, sana’y umabot man lang ng isang buwan ang showing nito — ngunit kinapos nitong huli ang kita ng "Buwan"!

Dito kaya kay KZ, magma-magic? Itanong natin sa Buwan!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos gamiting theme song ang "Buwan" sa pelikulang Isa Pa With Feelings, maririnig muli ang hit song na ito ni JK Labajo sa pelikulang The Art of Ligaw, kung saan may bagong version sina JK at KZ Tandingan.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results