Ruru-Jasmine at Aga-Alice: kaninong tambalan ang mas papatok sa takilya?

by PEP Troika
Nov 6, 2019
PHOTO/S: @jascurtissmith Instagram / Nuuk teaser

JERRY OLEA:

Andaming magagandang foreign films na mapapanood nang LIBRE ngayong Nobyembre.

Opening night ng 2019 Korean Film Festival ngayong Nobyembre 6, Miyerkules, 5:00-10:00 p.m. sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Taguig City.

LIBRE ang pagpapalabas ng pelikulang Microhabitat, at present sa event ang direktor na si Jeon Go-woon.

Tatakbo mula Nobyembre 6 to 8 (Miyerkules-Biyernes) ang Korean film fest na ito sa Kamaynilaan, Cebu, Davao, Iloilo, Olongapo, Cavite, at Pampanga.

Continue reading below ↓

Nobyembre 6 to 12 naman ang 4th German Film Week sa SM Manila (Cinema 6) at SM Megamall (Cinema 2).

PHP100 lang ang tiket sa bawat isa sa 12 pelikulang ipapalabas.

May 50% discount sa students, at regular ang discounts sa seniors at PWDs.

Kaugnay ito sa paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagbagsak ng Berlin Wall.

LIBRE ang panonood ng opening film na Balloon ngayong Nobyembre 6, Miyerkules, 7:00-9:00 p.m. sa Cinema 6 ng SM Manila.

Continue reading below ↓

Nobyembre 7 to 9 naman ang 8th Brazilian Film Festival: Visions of Life sa UP Film Institute (Film Center), Magsaysay Avenue, UP Diliman, Quezon City.

LIBRE ang admission sa limang pelikula rito!

Nobyembre 13 to 17 ang 3rd Hungarian Film Festival sa Cinema 4 ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Invitational ang opening night event, pero LIBRE sa publiko ang mga pelikulang itatanghal.

Continue reading below ↓

Siyangapala, Nobyembre 7 to 17 naman ang 15th Cinema One Originals Film Festival.

PHP200 ang regular ticket at PHP150 para sa mga estudyante.

Ngayong Miyerkules, November 6 ang opening day ng Pinoy films na Nuuk (Aga Muhlach & Alice Dixson) at Cara x Jagger (Ruru Madrid & Jasmine Curtis-Smith).

Kasabay ito ng Doctor Sleep (horror film na sequel ng The Shining), Midway (war film na idinirek ni Roland Emmerich), at The Dude in Me (South Korean fantasy comedy ni Park Sung-woong, na noong Enero 9 pa ini-release).

Continue reading below ↓

Coming soon this November ang bagong henerasyon ng Charlie’s Angels (Kristen Stewart, Naomi Scott & Ella Balinska), Frozen 2, at Unbreakable (Bea Alonzo, Angelica Panganiban & Richard Gutierrez).

NOEL FERRER:

Hindi masyadong ramdam ang bagyong Quiel ngayon.

Ganoon din kaya ang kahihinatnan sa takilya ng ng mga pelikulang nag-open today?

Sa pagbubukas ng mga sinehan ngayon, walang nakaungos. Nuknukan ng kupad ang pasok ng moviegoers.

Harinawang mag-pick up ang mga ito. Huwag sana silang ma-FROZEN agad-agad!!!

GORGY RULA:

Maganda ang feedback sa Cara X Jagger na nagkaroon ng premiere night sa SM Megamall kagabi, November 5.

Surprisingly, may chemistry raw pala sina Ruru at Jasmine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @jascurtissmith Instagram / Nuuk teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results