Write About Love, posibleng maging dark horse sa MMFF 2019

by PEP Troika
Nov 6, 2019
Ayon sa direktor na si Crisanto B. Aquino, perfect tandems ang lead stars sa pelikulang Write About Love na sina Miles Ocampo at Rocco Nacino at sina Yeng Constantino at Joem Bascon.
PHOTO/S: Jerry Olea / TBA Studios

JERRY OLEA

Bumilib si Direk Crisanto B. Aquino sa apat na bida sa kanyang debut movie na Write About Love, isa sa walong official entries ng forthcoming 45th Metro Manila Film Festival.

Aniya, sobrang perfect ang tandems nina Rocco Nacino & Miles Ocampo at Joem Bascon & Yeng Constantino.

“Pag napanood ninyo ang pelikula, maniniwala kayong puwedeng magkatuluyan sina Rocco at Miles kahit malayo ang agwat ng age nila,” palatak ni Direk Crisanto sa thanksgiving lunch ng TBA Studios nitong Nobyembre 6, Martes, sa Cafe Ysabel, M. Paterno St., San Juan City.

“As in... posible. Posible siya, e!

"Saka... I mean, wala namang imposible kapag puso ang pinag-uusapan.

"Age doesn’t matter talaga. Age is just a number!” bulalas pa ni Direk Crisanto.

“May ganoon ngang line sa pelikula, e.”

Kumusta si Yeng?

“Nagulat ako kay Yeng! Kasi nga, di ba, ang dami kong reference na mga romcom saka mga love story.

Continue reading below ↓

“Noong si Yeng yung nagdrama, parang hindi siya nagdadrama. Para lang siyang nandoon mismo sa eksena.

“Hindi ito yung mga masyadong dramatic na atake sa pag-acting.

"Yeng is very natural. Nagulat talaga ako.

“Sobrang nagulat talaga ako kay Yeng.

"Saka si Yeng, sobra siyang seryosong artista. Kasi, makatanong siya, ‘Direk, tama ba ‘to?’

"Alam mo yung sobra siyang willing to learn so many things."

Sa full trailer ng Write About Love, mala-Claudine Barretto ang madramang linya ni Yeng na, “Mahal mo ba talaga ako, o minahal mo lang ako?”

Natawa si Direk Crisanto, “Actually, that special scene, that specific scene na, ‘Mahal mo ba talaga ako, o minahal mo lang ako?’ — that was revised on the set.

“Kasi, ang line lang doon is, ‘Mahal mo ba talaga ako?’ Yun lang.

"'Tapos, bigla akong nag-stop. Naisip ko si Inang [Olivia Lamasan], yung Claudine. Naisip ko yung Milan.

"Sabi ko, kailangan ko ng line. Kailangan ko ng line na maiisip ng tao, ‘Ito yung Claudine, e! Ito yung Kim Chiu. Ito yung Bea Alonzo na you love me at my worst something-something.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, kailangan kong mag-isip.

"'Tapos, bigla kong naisip, ‘Mahal mo ba talaga ako, o minahal mo lang ako?’

“That’s very deep, ha?! Malalim siya! Puwedeng maraming kahulugan yun.”

GORGY RULA

Masasabing underdog itong Write About Love sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Hindi ganun kalaki ang mga artistang kasali sa pelikula, pero parang maganda siya.

Sabi nga ni Direk Cris Aquino, ang istorya at hindi malalaking artista ang bentahe ng pelikulang ito.

Ito lang ang nag-iisang romcom sa MMFF 2019, at malay natin, baka makasilat ito at puwedeng magiging surprise hit.

Sabi pa ni Direk Cris, “Ang nakikita ko, since marami ang may gusto sa romcom…. yun ang target, e, yung mga taong mahilig manood ng love story.

“Ang magandang offering nito is paano ba talaga ginagawa ang isang love story, ang isang romcom?

“So, I think yung mga viewers ng romcom, makaka-relate dito.”

NOEL FERRER

Naging agresibo ang TBA Studios para ilabas na ang full trailer ng kanilang MMFF 2019 entry na Write About Love.

Continue reading below ↓

Ganundin ang grupo ng Culion na nakipag-tie up sa Star Cinema/ ABS Productions para sa distribution ng pelikula.

Imbes na Star Cinema (or ABS CBN Film Division) ang magre-release ng pelikula nina Coco, Jennylyn, at Ai-Ai, minarapat ni Coco na sa grupo niya last year — ang APT at ang makinarya nila — ang mag-distribute ng kanilang pelikula this year.

Malamang, ang Mindanao naman ay ang Solar ang mamamahala.

Exciting! Kani-kanya ng effort ang lahat ng mga lahok na produksyon.

Sana ma-sustain nila ang interes ng masa para panoorin ang lahat ng MMFF entries.

Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa direktor na si Crisanto B. Aquino, perfect tandems ang lead stars sa pelikulang Write About Love na sina Miles Ocampo at Rocco Nacino at sina Yeng Constantino at Joem Bascon.
PHOTO/S: Jerry Olea / TBA Studios
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results