The Voice Kids finale, kinabog ang The Clash sa TV ratings

by PEP Troika
Nov 7, 2019
The Voice Kids Grand Champion Vanjoss Bayaban is overjoyed as his coach Sarah Geronimo hands him his PHP2M cash prize; while The Clash 2019 finalist Sassa Dagdag wows judges with her rendition of "Can't Help Falling In Love."
PHOTO/S: The Voice Kids / The Clash Youtube

JERRY OLEA:

Nanguna sa national TV ratings (Urban + Rural) noong Sabado at Linggo ang huling dalawang pagtatanghal ng The Voice Kids: Season 4, ayon sa datos ng Kantar Media.

Naka-33.2% ang The Voice Kids, kontra sa 16.7% ng The Clash noong Nobyembre 2, Sabado.

Noong Nobyembre 3, Linggo, naka-36.3% ang Final Results Night ng The Voice Kids, kontra sa 15.4% ng The Clash.

Noon ding Linggo, naka-31.6% ang Parasite Island, kontra sa 18.2% ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Pareho pa ring wagi sa kani-kanyang timeslot ang Rated K at Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pero mas mataas muli ang rating ng Rated K (na nasa earlier slot) kumpara sa KMJS.

Naka-26.4% ang Rated K, kontra sa 17.3% ng Amazing Earth Featuring Life Story.

Naka-11.5% lamang ang Kababalaghan, kontra 23.1% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dikit ang labanan noong Linggo ng tanghali at late night.

Naka-10.6% ang ASAP Natin ‘To, kontra 10.1% ng Sunday PinaSaya.

Continue reading below ↓

Naka-6.7% ang Gandang Gabi Vice, kontra 6.6% ng The Boobay And Tekla Show.

Naka-2% ang Sine Sandaan sa Sunday’s Best, kontra sa 2.6% ng It Follows sa Sunday Night Box Office.

GORGY RULA

Ayon naman sa AGB NUTAM, ang laki ng itinaas ng Sunday PinaSaya pagkatapos ilumabas ang balitang matsutsugi na ito.

Naka-5.7% ito noong nakaraang Linggo, at 4.6% lamang ang katapat na ASAP Natin ‘To.

Yun lang ang daytime program ng GMA 7 na mataas.

Pagdating sa gabi, tumaas ang 24 Oras na naka-7.6%, at 6.1% lamang ang TV Patrol.

Natsismis ding tatapusin na ang Daig Kayo ng Lola Ko, na hindi na gaanong umabante pagkatapos itong tapatan ng Parasite Island. Naka-9.9% lang ang Daig, at 12.6% ang P. I.

Hindi pa rin natatalo ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 15.6% noong nakaraang Linggo, at 5.8% lamang ang Kababalaghan ng ABS-CBN.

Hindi rin matinag-tinag ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.9%, at nilampaso ang katapat na Gandang Gabi Vice na may 3.7% lamang.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Dahil sa success ng The Voice Kids, mukhang mapapabilis na ang pagbabalik nito with its Teens edition!

Iba rin talaga at may kinang ang performances ng celebrity coaches kaya nagtatatak ito at nakakataas ng premium.

And Bamboo singing a rock version of "Let It Go"? Grabe!

Hindi man nanalo ang “bet niya” (at ang akala ko nga ay ang FamiLEA representative ang magwawagi), wagi pa rin ang coaches sa pagiging best in the field of music.

Habang hindi na bago na may Midas touch talaga si Coach Sarah Geronimo.

Mahirap pantayan ito ng numero! Sa mga ganito, ang audience ang panalo!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Voice Kids Grand Champion Vanjoss Bayaban is overjoyed as his coach Sarah Geronimo hands him his PHP2M cash prize; while The Clash 2019 finalist Sassa Dagdag wows judges with her rendition of "Can't Help Falling In Love."
PHOTO/S: The Voice Kids / The Clash Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results