Younger actress, inirereto ng older actress sa powerful personality

by PEP Troika
Nov 7, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Siyam na taon ang agwat ng edad ng dalawang kilalang aktres, pero magkasundo sila sa maraming bagay.

Makulay ang kani-kanyang buhay pag-ibig, at bulung-bulungan na may isang yayamaning negosyante na kapwa nila minahal sa magkaibang panahon.

Ang kanilang samahan ay pinagtibay ng maraming pagsubok, ‘tsura nina Deena (Angelica Panganiban) at Mariel (Bea Alonzo) sa pelikulang Unbreakable na ipapalabas sa Nobyembre 27.

Nagkaroon sila ng misunderstanding, ngunit nanaig ang malasakit nila sa isa’t isa, at ang kanilang samahan ay lalong tumatag. Tila hindi na matitibag.

It’s complicated ang status ng love life ng older actress, pero maligaya siya at nakakapagmaganda.

May nagpapangiti ngayon sa younger actress.

May nagpapa-cute sa kanya — isang powerful personality na close friend ng older actress.

Opo! Ang older actress ang tulay kaya nagkakamabutihan ang younger actress at ang powerful personality.

NOEL FERRER

Nasa news na naman pala sila. Tsk! Tsk! Tsk!

Mas marami pang problema ang bansa na dapat solusyunan.

Continue reading below ↓

Pero kung lantay na pag-ibig iyan, baka they deserve each other... kaya?

Hayyy, naku!!!

GORGY RULA

Nasa dugo na yata nila iyan? Tila ganyan ang sistema o kaugaliang kinalakihan nila.

Buhay naman nila iyan.

Mahirap nang magdagdag pa ng comment.

Baka magdelikado ang career natin diyan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results