Marian Rivera, ibinenta ang designer bags at imported clothes kapalit ng gawang-Pinoy

by PEP Troika
Nov 7, 2019
Marian Rivera: "Ngayon, mas makabuluhan ang mga sinusuot ko. Kasi, gawang Pinoy siya."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea

GORGY RULA

Ibinenta na ni Marian Rivera ang mga mamahalin niyang signature bags at ibang damit dahil "go local" na siya ngayon.

Kapansin-pansin sa mga isinusuot ni Marian na talagang local products ang mga iyon.

Ipinagmamalaki ng Kapuso actress ang mga gawang atin, kaya bakit pa raw siya gagamit ng mga imported kung magaganda naman at matibay pa ang mga gawang Pinoy.

Sa renewal ng kontrata niya sa Beautederm Home sa Luxent Hotel nitong Nobyembre 7, Huwebes, ipinagmamalaki ni Marian na pawang local products na ang ginagamit niya.

Tinanong namin kung nasaan na yung mga mamahalin niyang mga gamit, gaya ng bags pati ang mga imported na mga damit.

“Wala na siya, 'tapos binili ko ng mga katutubong damit,” pakli ni Marian.

Feeling niya, tapos na siya sa pagkahilig sa mga imported at mamahaling gamit.

“Nawala na, e. Siguro, nasabi ko na pag may pagkakataong may konting pambili, makabili ka ng medyo branded, pero sabi ko, what for?” sabi niya.

Continue reading below ↓

Nakita ni Marian na magaganda talaga ang mga gawang Pinoy kaya puro local products na siya ngayon, pati ang ilang gamit ng mga anak niyang sina Zia at Ziggy.

“Para mas makabuluhan siguro ang pagsusuot ko ng damit kung… alam mo yun.

“Namulat kasi ang mata ko nung ini-endorse ko yung Kultura.

“Nakita ko kung gaano kaganda at galing ng Pinoy sa paggawa ng iba’t ibang klaseng produkto.

“Ngayon, mas makabuluhan ang mga sinusuot ko. Kasi, gawang Pinoy siya,” masayang pahayag ng GMA Primetime Queen.

JERRY OLEA

Nag-enjoy ang Pamilya Dantes sa pamamasyal nila kamakailan sa Bohol.

“Nakapunta ako before ng Bohol pero once lang, para mag-beach.

"Pero para galain ang Chocolate Hills, at ang mga tarsier, hindi ko siya napuntahan before, e,” kuwento ni Marian.

“So, ginawa namin yun. Nag-boat kami. Tiningnan namin yung mga dolphin.

"So, nakakatuwa. Sabi ko nga, sobrang ganda ng Pilipinas talaga!

“Na kapag ie-explore mo siya, e, parang ayaw mo nang umuwi. So, nabitin din kami.

Continue reading below ↓

“Sabi nga ni Dong, ‘Huwag kang mag-alala, may next time pa tayong iikutin!’”

Enjoy na enjoy si Zia sa Bohol dahil mahilig itong lumangoy.

“Hindi niya makalimutan ang hitsura ng tarsier, hanggang pag-uwi, ginagaya niya!” natawang saad ni Marian.

“‘Mama, look at me!’ [tingin-tarsier] Gumaganun.

"Si Zia kasi, parang ako ‘yan, e. Sobrang kalog talaga.

Continue reading below ↓

“Ayun, sobrang nag-enjoy rin siya. Ayaw pang umuwi.

"E, kailangan na naming umuwi, kasi may school siya. Si Dong, nagti-taping.

“Sabi nga ni Dong, ‘Huwag kang mag-alala, babalik pa tayo, sa ibang lugar naman.’

"So, ie-explore namin ang ganda ng Pilipinas!”

NOEL FERRER

Magandang value iyan ng nasyonalismo at pagkamakabayan — na maituturo ni Marian sa mga anak nila ni Dingdong Dantes.

Gawang Pilipino. Para Sa Pilipino.

Makakatulong pa sa industriya at trabahador na Pilipino! Mabuhay ka, Makabayang Marian!

JERRY OLEA

May offer na teleserye ang GMA-7 kay Marian, pero para sa susunod na taon pa iyon.

“Ang weird kasi na matatapos yung taon, 'tapos magso-soap ako?” lahad ni Marian.

Pagkatapos gawin ni Dingdong Dantes ang Pinoy version ng Descendants of the Sun, doon pa lang siya makakagawa ng bagong teleserye.

“Kasi, ang hirap na parehas kaming wala sa mga anak namin.

"Kasi, may usapan kami ni Dong, pag siya ang nagwo-work, ako ang nasa mga bata.

Continue reading below ↓

“Kapag ako ang magwo-work, siya ang nasa bata.

"Hindi puwede na pareho kaming wala para sa mga anak namin."

Inamin ni Marian na maraming inilalatag sa kanyang pelikula para pagpilian niya.

“Nakakataba po ng puso dahil ang dami nilang ino-offer na puwede kong gawin talaga. Sure.

“Isa-isahin ko po. One at a time.”

Kumusta ang kanilang baby?

“Palaki nang palaki. Pa-cute nang pa-cute! Nakakagil. Ang hirap iwan.

"Saka humahabol na siya. Saka mag-aapat na ang mga ipin niya," sabi ni Marian tungkol kay Ziggy.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera: "Ngayon, mas makabuluhan ang mga sinusuot ko. Kasi, gawang Pinoy siya."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results