Nuuk at Cara X Jagger, parehong luhaan sa first day?

by PEP Troika
Nov 7, 2019
Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson (kaliwa) at Cara X Jagger nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid (kanan) sabay na nagbukas sa mga sinehan kahapon, November 6.

NOEL FERRER

Luhaan ang mga sinehan sa resulta sa takilya ng dalawang nagbukas na pelikulang Pilipino nitong Oktubre 6, Miyerkules.

Ayon sa source ng PEP Troika, more or less, P800K ang first-day gross ng Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson.

P150K naman ang Cara X Jagger nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith.

Sayang dahil parehong magaganda ang reviews ng mga tao sa mga pelikulang ito, at pareho nating gustong magtagumpay.

Mahal natin ang mga artistang involved dito.

Paano na kaya? Marami pang ibang Pinoy films na magbubukas ngayong Nobyembre.

Paano kaya bu-bull’s eye ang mga ito sa kita, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Sa totoo lang, hindi nag-e-expect ng malaki ang movie producers natin ngayon.

Huwag lang sanang sadsad na sadsad. Yung maitawid lang.

Kung hindi ganoon kalakas ang pagbubukas nila, idalangin nating makabawi sa weekend.

Ang dinig ko, maganda ang feedback sa Cara X Jagger. Sana, hindi pa muna mabawasan ng sinehan.

Continue reading below ↓

Tingnan natin ngayong araw hanggang Linggo kung makakabawi pa.

JERRY OLEA

Napakunot-noo ako sa tagline noon ng pelikulang Nuuk, “A Sub-Zero Love Affair.”

Nuknukan ng lamig ang sub-ZERO.

Mabuti at ang paandar sa suspense-thriller na ito ay ginawang “A Sinister Love Affair.”

Kapwa 50-anyos na sina Aga Muhlach at Alice Dixson, kaya inaasahan kong dadagsa ang senior citizens na manonood ng Nuuk sa Lunes.

Sana ay maging masigasig pa ang publicists ng Nuuk.

Ito namang pagdalo ni Bianca Umali sa premiere night ng Cara X Jagger noong Tuesday night sa SM Megamall, sadya pong nakaka-Sahayad.

Hindi dumalo si Ruru Madrid sa premiere ng pelikulang Banal nina Bianca at Miguel Tanfelix noong Mayo.

Behaved din si Ruru noong kasagsagan ng promo ng pelikulang Family History, kung saan tampok muli ang BiGuel tandem.

Pinagbawalan na si Bianca na pumunta sa premiere ng Cara X Jagger, pero hindi siya nagpaawat.

Kung gusto talaga ni Bianca na mapanood iyong movie, sana ay nagpa-block screening na lang siya.

Continue reading below ↓

“Napaluha ako sa awa kay Ruru dahil sa ginawa ni Bianca sa kanya!” madamdaming bulalas ng katotong Joe Barrameda nang makatsikahan namin nitong Nobyembre 7, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson (kaliwa) at Cara X Jagger nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid (kanan) sabay na nagbukas sa mga sinehan kahapon, November 6.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results