Mindanao, lalaban sa Kalkota at Cairo international film festivals

by PEP Troika
Nov 8, 2019
Patuloy ang pag-ikot ng pelikulang Mindanao sa iba't ibang international film festivals. Ang Mindanao ay idinirek ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

JERRY OLEA

Nag-world premiere ang pelikulang Mindanao sa 24th Busan International Film Festival (Oktubre 3-12 sa South Korea).

Dumalo roon ang direktor na si Brillante Mendoza, at mga artista niyang sina Judy Ann Santos, Allen Dizon, at Vince Rillon, plus line producer Dennis Evangelista.

Nasa Icons section ito ng BIFF.

Kapagkuwan ay ipinalabas ang Mindanao sa 32nd Tokyo International Film Festival (Oktubre 28-Nobyembre 5 sa Japan), sa ilalim ng World Focus Powered by Aniplex Inc. section.

After ng screening ay may Q & A kay Direk Brillante.

Invited doon sina Juday at Allen pero hindi sila pumuwede. Conflict sa schedule.

Imbitado rin ang Mindanao sa 25th Kolkata International Film Festival (Nobyembre 8-15 sa India).

Nobyembre 13 ang screening nito, at nasa ilalim ito ng Innovation in Moving Images (International/Main Competition).

“Walang acting awards sa Kolkata, pero malaki ang cash prize nila para sa best picture,” sabi ni Dennis nang maka-chat ko nitong Nobyembre 7, Huwebes ng gabi, via Messenger.

Continue reading below ↓

Pupunta sa Kolkata si Dennis para sa pelikulang Latay, kasama ang direktor ng Gitarista na si Jason Orfalas, at scriptwriter ng Mindanao na si Honee Alipio.

Nasa Main Competition din ng 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29 sa Egypt) ang Mindanao.

Hindi makakapunta si Direk Brillante sa Kolkata at Cairo dahil sa prior commitment.

Continue reading below ↓

Kuwento pa ni Dennis, “Pupunta yata si Direk Brillante sa Spain para sa Master Class, at saka sa Tokyo FilmEx.

“Invited din sina Juday at Allen sa Cairo. Hindi na naman puwede si Juday.

"Noong nasa Busan kami, napag-usapan nang hindi siya available.

“First time pupunta ni Allen sa Cairo kaya excited siya. Nakuha na niya ang invitation.

"Sagot ng festival ang kanyang airfare at hotel accomodation.

“Ipinalabas last year sa Cairo yung movie niya na Alpha: The Right to Kill directed by Brillante Mendoza, pero out of competition.”

GORGY RULA

Ito pa naman ang gustong ma-experience ni Judy Ann—ang makaikot sa mga international film festival ang pelikula niya.

Sayang, hindi niya kakayaning madaluhan lahat dahil sa Starla niya.

Kung napapansin ang Mindanao sa ibang bansa, sana ay ganoon din dito sa atin sa darating na 45th Metro Manila Film Festival.

NOEL FERRER

All the best to my beloved Juday!

Continue reading below ↓

Grabe ang sked niya.

Kagagaling lang niya sa Dubai for a book launch and cooking demo.

Then, balik siya kaagad para sa birthday ng anak nila ni Ryan Agoncillo na si Yohan.

I wish for more successes sa kanyang Mindanao! She deserves the best!!!

JERRY OLEA

Ang Cairo International Film Festival (CIFF) ay isa sa 15 international filmfests na “A” ang status sa pamantayan ng International Federation of Film Producers Associations (FIAPF, Federation Internationale des Associations de Producteurs de Films).

Kahanay ng Cairo ang international filmfests ng Berlin (Germany), Cannes (France), Goa (India), Karlovy Vary (Czech Republic), Locarno (Switzerland), Mar del Plata (Argentina), Montreal (Canada), Moscow (Russia), San Sebastian (Spain), Shanghai (China), Tallinn (Estonia), Tokyo (Japan), Venice (Italy), at Warsaw (Poland).

Ang Mindanao ay isa sa walong official entries ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malapit sa puso ni Direk Brillante ang Mindanao.

Sa Tawi-tawi kinunan ang MMFF 2012 entry niyang Thy Womb, na tinampukan nina Nora Aunor, Lovi Poe, at Bembol Roco.

Continue reading below ↓

“Ang Thy Womb, mga Badjao ‘yan, e. Ito, Maguindanao and some other tribes also. Hindi lang Maguindanao ang nire-represent niya,” lahad ni Direk Brillante nang makausap namin noong Setyembre 30 sa Greenbelt 3 My Cinema, Makati City.

“Galing ako sa Cagayan de Oro, iyon din ang tanong sa akin.

"Sabi sa akin, ‘Bakit Mindanao? Bakit hindi Cagayan de Oro? Bakit hindi Maguindanao, or Bukidnon?

“Makikita rito sa film, nag-merge yung mga mother from different parts of Mindanao. So, that in itself, Mindanao is already represented.

“And iyong merging nilang iyon, iyong pagsama-sama nilang iyon, parang... they are in the process of healing someone, ‘no? Parang may hini-heal ‘yung mga anak nila.

“In a way, rhetorical din iyong gusto nating ipakita roon, kesa basta doon sa tribes or mothers na nagpunta roon.”

Ang mga pelikula niyang Ma’Rosa (2016) at Captive (2012) ay parehong sa Davao City nag-premiere.

“Noon pa, pinu-promote ko na kahit paano yung kultura ng Mindanao,” pahayag ni Direk Brillante.

Continue reading below ↓

Ma’Rosa is not about Mindanao, it’s about Manila, pero nag-premiere ako sa Davao. Kasi, gusto ko siyang bigyan ng halaga.

“Kasi, that’s precisely the point. Kapag nalaman ng mga tao na, ‘O, bakit dito mo pini-premiere ang mga film mo?’

“Kasi, gusto kong bigyan ng halaga yung lugar. Which is also one of the reasons why we used Mindanao, and we did a story about Mindanao.

“Kasi, magkakaroon ng balita iyan, e, hindi lang dito sa Pilipinas. Hindi lang sa Luzon, pati na sa ibang bansa.

"Pag nakita nila, nalaman nila, nagpi-premiere ako sa Mindanao.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy ang pag-ikot ng pelikulang Mindanao sa iba't ibang international film festivals. Ang Mindanao ay idinirek ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results