OPM singers, magsasanib-puwersa sa fundraising concerts para sa Cotabato quake victims at kay May Bayot

by PEP Troika
Nov 8, 2019

JERRY OLEA

Kasado na ang Tugtugan Para sa Cotabato sa Nobyembre 12, Martes, 8 P.M., sa The 70s Bistro, #46 Anonas St., Project 2, Quezon City.

Tampok sa fund-raising concert na ito sina Bayang Barrios at Ang Naliyagan, Joey Ayala, Noel Cabangon, Cookie Chua, Gary Granada, Kakai Bautista, Pepe Herrera, Poppert Bernadas, Jimi Marquez, at Kim Baluzo.

“Itong proyekto na ito ay para po sa stress debriefing ng mga kabataan sa North Cotabato na na-trauma dahil sa lindol,” lahad ni Bayang nang maka-chat ko nitong Nobyembre 7, Huwebes ng gabi, via Messenger.

“Nawalan sila ng bahay at eskwelahan, at hanggang ngayon, hindi pa nakabalik sa kanilang tahanan.

“Akala natin, maliit na bagay ito. Pero para sa akin, ang makita ang mga ngiti nila dahil may dala kang coloring books, konting snacks at ma-hug mo man lang sila, malaking bagay na po ito.

“Salamat sa artists na nagpaunlak magbigay ng kanilang oras at talento. Alam ko, lahat ay may kanya-kanyang ginagawa rin.

Continue reading below ↓

“Sa #RakOfAegis artists na sumuporta, salamat po!

"Kina Joey Ayala, Noel Cabangon, Gary Granada, at Cooky Chua, palagi kayong kasama sa mga adhikaing ito.

"Mabuhay po ang Pilipino!"

Ang tiket ay P500. Para sa ticket reservations, mag-text o tumawag kay Vinj sa cell# 0917-874-5720.

NOEL FERRER

This is truly worthy of our support!

Sana nga, mas marami pang mga report ng mga nagaganap sa mga komunidad na nasira ng lindol sa Mindanao para updated ang ating mga kababayan at hindi lang Manila-centric ang mga balita!

Sinusuportahan natin ang ganitong efforts na nagkakasama ang mga kaibigan natin sa industriya — all for a good cause — pati yung tulong kay Ate May Bayot, sister ni Lani Misalucha.

JERRY OLEA

Gaganapin ang Songs for May: Acoustic Jive Reunites sa Nobyembre 10, Linggo ng 8 P.M. sa 19 East, Km 19 East Service Road, Parañaque.

Ang pondong malilikom dito ay para sa medical needs ni May Bayot de Castro.

Continue reading below ↓

Magpe-perform dito ang mga kaibigan niyang sina Dulce, Bituin Escalante, Habemus Papas, Isay Alvarez, Carla Martinez, Richard Merk, Jett Pangan, Nar Cabico, Reuben Laurente, at Lady 1 & 8 Track.

Ang entrance fee ay P500.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results