Kisses Delavin, hindi ipinaalam sa mga kaibigan sa ABS-CBN ang pag-alis niya sa network

by PEP Troika
Nov 8, 2019
Kisses Delavin on leaving Star Magic and moving to Triple A: “Marami kasing opportunities everywhere and there are so many doors na open for you. So, you have to follow your heart…"
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ipinakilala si Kisses Delavin bilang bagong alaga ng All Access To Artists, Inc. (Triple A) nitong Nobyembre 8, Biyernes, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Nasaksihan ng entertainment press ang pagpirma niya ng kontrata sa Triple A kasama sina Direk Mike Tuviera at Rams David.

Sabi ni Kisses, gusto niyang mag-explore sa kanyang career at nakikita niyang maa-achieve niya ito sa Triple A.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang po mag-explore more.

"Pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of PBB where I started.

"So, I’m so thankful to them,” sabi ni Kisses.

Bakit ang Triple A ang napili niyang mag-manage sa kanya?

Sagot niya, “I feel that APT is a very personal management… would really care for its talents.

"So I’m so excited for what’s to come, and I feel very grateful na finally alaga na po ako nina Tito Rams and Direk Mike.

“I think the deciding factor for me is when…. nakita ko sila, I felt like may future family ako in showbiz. That’s what I thought.

“Marami kasing opportunities everywhere and there are so many doors na open for you. So, you have to follow your heart…

“Kasi, yung heart mo knows what’s good for you.

"So I felt, like, I’ll just listen to my heart and yun, itinuro yung APT. I have to follow it."

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Mike, may tatlong pelikula na silang naka-lineup kay Kisses.

Pagkatapos ng contract signing, dadalhin na ni Rams si Kisses sa mga boss ng GMA-7 para maipakilala.

Wala pang masabi si Kisses kung sino sa Kapuso stars ang gusto niyang makasama.

Gusto raw muna niyang makilala ang stars ng GMA-7.

JERRY OLEA

Lahat ng bagay ay may dahilan — ang paghalik ng dahon sa lupa, o ang pagkabuwag man ng love team.

Malay mo, malay ko, kailangan lang yakapin nang buong puso ang pagbabago, upang masumpungan mo ang sulok na nakalaan para sa iyo.

Ang kirot ng nakalipas ay maaaring maging susi para sa maningning na hinaharap.

NOEL FERRER

Good luck, Kisses.

I hope you won’t kiss the day goodbye! The sweetness and the sorrow. Hehehe!

Wala akong masabi kay Kisses kundi “Good luck...” at mahal ko si Sir Mike Tuviera ng APT!

GORGY RULA

Wala raw kinausap si Kisses sa mga kaibigan niya sa Kapamilya network, lalo na ang dating ka-love team niyang si Donny Pangilinan, kaugnay sa paglipat niya ng management team.

Continue reading below ↓

Open siyang magkaroon ka-love team sa GMA-7, pero pag-uusapan pa nila ito sa Triple A.

Isang romcom movie ang balak ng APT Entertainment na gagawin ni Kisses, pero hindi pa muna nila masabi kung sino ang makaka-partner nito.

Lahat daw ito ay kailangang gusto rin ni Kisses.

“Naglatag kami kay Kisses ng plano and we always respect ng opinion ng artist,” sabi ni Direk Mike.

“Kami kasi, merong latag na ito sana ang gusto naming gawin, 'Eto ang plan namin, what do you think?'

“So, naglatag kami ng ganun, pero medyo… may ibang aspeto na isinisikreto pa rin namin sa kanya kung sino ang makaka-partner niya and all that.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kisses Delavin on leaving Star Magic and moving to Triple A: “Marami kasing opportunities everywhere and there are so many doors na open for you. So, you have to follow your heart…"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results