Hunk actor na mahilig magmura, kinaiinisan ng production staff ng drama series

by PEP Troika
Nov 8, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Irita iringan, irita de guzman, irita daniela!

Iritang-irita na ang production staff ng isang drama series sa bida nilang matangkad na hunk actor.

Hindi na nila masikmura ang talas ng bibig ni Aktor na kayhilig magmura.

Iniiwasan na itong ipagmaneho ng mga driver ng service nila. Hindi kasi maganda ang pagtrato ni Aktor sa kanila.

Hindi ginagamit ni Aktor ang kotse niya sa taping. Sumasabay siya sa service ng production.

Minsan, pack-up si Aktor nang maaga. Sumakay siya agad-agad sa service niya pero wala pa roon ang driver.

Nagalit agad ang aktor at nagmura sa staff na inutusan niyang hanapin ang driver.

Pagdating ng driver, pinagmumura ito ng aktor.

Kaya nang sumunod na taping, inaalam muna ng mga driver kung si Aktor ang isasakay para tanggihan nila ito.

Tsk! Tsk! Tsk!

Minsan, na-pack up din ang taping ng drama series dahil nakipagmurahan ang aktor sa kanilang direktor.

May eksenang pinaulit-ulit ni Direk sa aktor. Hindi kasi nakukuha ng aktor ang instruction.

Continue reading below ↓

Napamura ang aktor, “T*** na, paulit-uit!”

Dinig na dinig iyon ni Direk sa monitor. Pinuntahan ni Direk si Aktor para tanungin kung siya ba ang minumura nito.

Hirit ng aktor, hindi iyon para sa direktor. Napamura lang daw siya dahil inuulit-ulit ang ipinapagawa sa kanya sa eksena.

Siyempre, sinabi ni Direk na hindi nasusunod ang ipinapagawa niya kaya pinapaulit niya ito.

Nagtalo sila hanggang sa nagmumurahan na silang dalawa.

Ang ending, na-pack up ang taping.

Mangiyak-ngiyak ang executive producer ng drama series dahil sa dami ng mga eksenang na-drop.

GORGY RULA

Naku! Narinig ko nga ang kuwentong iyan!

Ang isa raw kasi sa kinalolokohan nitong matangkad na hunk actor sa set ay ang maglaro ng Mobile Legends. Totoo kaya yun?

Kaya ipinagbabawal na raw ang mobile games sa set, lalo na iyang ML na kinahuhumalingan ng mga bagets.

Bang Bang!

NOEL FERRER

Parang wala pang napapatunayan ang hunk actor sa ating industriya sa larangan ng pag-arte.

Continue reading below ↓

Dapat behaved lang ang matangkad na hunk actor, at habang sumisikat ay lalong bumabait.

Alisin muna ang piring niya sa mga mata, at mag-focus muna siya sa pagpapayabong sa kanyang career.

Sayang!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results