Mark Herras, handa na bang pakasalan ang GF niyang si Nicole Donesa?

by PEP Troika
Nov 9, 2019
Is Mark Herras ready to tie the knot with girlfriend Nicole Donesa?
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Mahirap intindihin, mahirap tanggapin. Pero hindi dapat mahirap mahalin.

Bonggacious ang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Nobyembre 9, Sabado ng 8:30 PM pagkatapos ng Your Moment sa ABS-CBN.

Ito ang unang labas ni Jaya sa MMK, kung saan ang papel niya ay lesbian mother ng isang gay teenager na ginampanan ni Awra Briguela.

Continue reading below ↓

Mapapa-“Sana oil” ka sa mga eksena ni Awra with Finno Herrera na yummylicious pogilicious.

Herrera vs Herras!

Tampok naman ngayong Sabado night sa Magpakailanman ang real-life sweethearts na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa istoryang tumutusok sa puso.

Isusuko ba nina Kim at Mencio ang kanilang pag-iibigan? O magagawa ba nilang paglapitin ang langit at lupa para maisakatuparan lang ang kanilang pagmamahalan?

Continue reading below ↓

Aba! Sa tunay na buhay ay bet na ni Mark na pakasalan si Nicole sa lalong madaling panahon. Nasa tamang edad na si Mark para bumuo ng pamilya.

Napabuntong-hininga si Manay Lolit Solis (manager ni Mark) nang makatsikahan ko nitong Sabado ng hapon sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City,

Aniya, “Hay, naku... alam mo, si Mark, parang si Gabby Concepcion iyan noong araw. Iyon bang laging nai-in love.

“Kasi, imagine-in mo, si Mark, orphan. Walang nanay, walang tatay. Kaya siguro, always looking for ano siya, di ba?

“Sineseryoso naman niya ang relationship niya. Kaya lang... may pera ba siya? Dapat, kung magpapakasal ka, may pera, ‘no?! May pera ba siya?!”

GORGY RULA

Tinanong ko si Mark kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niyang si Nicole na ang babaeng pakakasalan niya.

Ito lang ang text niya sa akin, “Ayoko na po magsalita Tito Gorgs, but I'm just really waiting for something, then ayun."

Continue reading below ↓

Sana nga, si Nicole na itong babaeng hinahanap niyang makasama forever.

Ang pagkakaalam ko, may balak silang mag-Amerika para ma-meet doon ang mommy ni Nicole.

Wala pa siyang sinasabi kung matutuloy ito this year.

NOEL FERRER

Fiction with Jaya or real-life lovers na Mark & Nicole—tingnan natin kung sino ang mas tatangkilikin ng masa.

Ako, mas pang-Neocoulours yata ako sa I Can See Your Voice.

Kasi, nag-guest sila sa show ko sa radyo at kapanahunan ko... at pare-pareho kaming may good words for Morissette kanina.

After Jaya, baka parang catharsis kung si Morissette naman ang mag-MMK.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Mark Herras ready to tie the knot with girlfriend Nicole Donesa?
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results