Tisay na comedienne, tinalakan ang mommy ng petite comedienne

by PEP Troika
Nov 9, 2019
Why did the mestiza comedienne unleash her tirades against the mom of petite comedienne?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

May bad blood ba sa pagitan ng dalawang comedienne?

Si comedienne #1 ay tisay at seksi-seksihan. Minsan na siyang nahibang sa pagmamahalan.

Si comedienne #2 ay petite at morena. Nagbida na siya sa pelikula. Bilib na bilib ang isang beauty guru sa kagandahan ng kanyang kalooban, partikular sa pagtataguyod niya sa pamilya.

Ang eksena, sa taping ng isang TV show. May regalong cake si tisay para sa mommy ni petite comedienne.

Pagkaabot ni tisay ng cake sa mommy ni petite comedienne, inilapag din niya ang isang bag na naglalaman ng sangkatutak na imported chocolate.

May pinuntahan sandali si tisay. Pagbalik niya, nagulat si tisay dahil nagpapasalamat ang mga tao sa kanya sa set dahil sa chocolate.

Ipinamahagi kasi ng mommy ni petite comedienne ang ilang piraso ng chocolate sa mga staff ng TV show, at sinabing kay tisay iyon.

Umasim ang mukha ni tisay at ang tinalakan ang mommy ni petite comedienne, “Di ba, mommy, ang nangingialam ng gamit ng iba... magnanakaw?”

Continue reading below ↓

Quiet na lang si mommy, pati ang daughter niyang petite comedienne.

NOEL FERRER

Ano yun, nagkusang loob na kumuha lang ng chocolate ang mommy ng petite comedienne sa bag ng tisay na comedienne?

Wow!

Bakit niya ginawa iyun? O nagmamagandang-loob lang siya sa mga gutom bang staff ng TV show? At the expense of tisay?

Bakit kaya humantong sa ganoon, Mommy?

GORGY RULA

Mali naman talaga ang ginawa ni mommy. Pero sobra namang tawagin siyang ‘magnanakaw.’

Kilalang palaban si petite comedienne pero hindi na siya umimik sa talak ni tisay na comedienne.

Pero may kamalditahang taglay raw talaga itong si tisay.

May ilang mall shows na sinasalihan niyang nagdi-demand daw na dapat huwag kantahin ng ibang artists ang kakantahin niya.

Ang dating, e, sa kanya talaga mag-a-adjust.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Why did the mestiza comedienne unleash her tirades against the mom of petite comedienne?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results