Lovi Poe, Marco Gumabao, Tony Labrusca walang kiyeme sa intimate scenes

by PEP Troika
Nov 11, 2019
Direk Joel Lamgangan on In Between Maybes stars Marco Gumabao, Lovi Poe, and Tony Labrusca: “Maganda ang chemistry ni Lovi Poe doon sa dalawang batang lalaki."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

JERRY OLEA

Four shooting days na lang at tapos na ang principal photography ng Viva movie na In Between Goodbyes, starring Lovi Poe, Marco Gumabao, and Tony Labrusca.

Ayon sa direktor ng movie na si Joel Lamangan, smooth sailing ang kanilang shooting. Walang eklay o kiyeme ang tatlong bida sa intimate scenes.

“Maganda ang chemistry ni Lovi Poe doon sa dalawang batang lalaki,” matatas na lahad ni Direk Joel Lamangan sa 3rd Diamond Golden Awards Night nitong Nobyembre 10, Linggo, sa Marco Polo-Ortigas, Pasig City.

“Cooperative lahat sila. Boys and girl. Mahusay sila!

"Something to look forward to, for next year! Valentine offering.

“This is a romantic ghost story. Kakaiba! Nakikipag-lovemaking ang ghost!

"Ricky Lee ‘yan, ha?

“At hindi iyan horror. Romantic! Parang Ghost ni Demi Moore. Love story.

“Nakikita noong isang character ang ghost, dahil malakas ang pag-ibig niya.

"Nakakausap niya ang ghost, nagla-lovemaking sila, dahil mahal na mahal niya yung ghost.”

Continue reading below ↓

Malamang na mauna pa itong maipalabas sa mga tapos na ni Direk Joel na movies na Isa Pang Bahaghari (Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez) at In The Name of the Mother (Snooky Serna, Rita Daniela, Diana Zubiri, Miggs Cuaderno, Pancho Magno).

Hindi tinapos ni Direk Joel ang seremonya ng 3rd Diamond Golden Awards. Tumalilis siya pagsapit ng 10 P.M.

Just like Morissette Amon, hindi siya umakyat sa entablado. Nag-walk out siya?!

Pagkontra ni Direk Joel, “Ay, hindi, a?! Hindi ko naman inumpug-umpog ang ulo ko, ‘day! Diyos ko, tigilan ako, ‘no?!”

GORGY RULA

Kung magpakita muli ng puwet dito si Marco Gumabao, totoo kayang may iba raw na pasilip dito si Tony Labrusca?

Wala raw kasi silang arte rito!

Aware silang sexy ang pelikulang ito at kailangang may maipapakita talaga bukod sa galing nila sa pag-arte.

NOEL FERRER

The script of In Between Goodbyes is by Ricky Lee, at kasama rin diyan ang kaklase namin sa workshop na si Candy Pangilinan.

Continue reading below ↓

Oo, mapangahas ang pelikulang 'yan!

At alam ba ninyong pati si Lovi Poe ay nagnanais ding mapasali sa Ricky Lee Writing Workshop na na-delay na, dahil lubos na napahaba at naging thorough ang Batch 22.

Next year na at malamang sa Pebrero pa ang next batch nito.

Binanggit ko sa kanila na gusto mong sumama, Tito Jerry!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamgangan on In Between Maybes stars Marco Gumabao, Lovi Poe, and Tony Labrusca: “Maganda ang chemistry ni Lovi Poe doon sa dalawang batang lalaki."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results