Malditang lead actress, isinusumpa ng production staff; maangas na hunk actor, behave na ba sa set?

by PEP Troika
Nov 12, 2019
Teleserye lead actress, bait-baitan sa press pero nuknukan daw ng maldita sa set. At maangas na hunk actor, behave na sa set pero nangde-deadma naman ng co-stars sa serye.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA:

Magmula nang lumabas sa PEP Troika ang tungkol sa talakan ng matangkad na hunk actor at ng kanyang director, medyo nag-behave na si aktor at okey na sila sa set.

Pero napansin ng mga dating kasamahan ni hunk actor sa isang TV show na hindi sila nito binabati nang magkita-kita sila sa isang party ng network nila kamakailan.

Kahit ang bida ng programang kinabibilangan niya before ay hindi niya pinansin. Nagtataka sila kung bakit deadma na ito sa kanila.

Noon pa man ay alam na nilang may kayabangan at pagkamaangas itong si hunk actor, pero binabati sila noon.

Wala silang ginagawa laban sa kanya, kaya hindi nila alam kung bakit parang hindi na sila nito kilala.

Ang latest na pinag-uusapan ngayon ay ang lead actress ng isang series na medyo late na napapanood.

Isinusumpa na rin daw ito ng production staff, na kahit alam nilang may pagkamaldita na ito noon pa, lalong naging demonyita pa raw ito.

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at mabait daw ang lead actor ng series na gustung-gusto nilang katrabaho.

Pero kahit maganda ang rating at puwedeng-puwede silang ma-extend, ayaw na raw talaga ng staff.

Mas nanaisin pa raw nilang matsugi na agad ang programa nila para hindi na makatrabaho itong si "attitude girlita."

Ayaw lang ng staff na ikuwento ang detalye ng kamalditahan nito at baka maputukan pa raw sila dahil knowing daw itong si "attitude girlita," hindi raw sila nito tatantanan.

JERRY OLEA:

Nag-usap nang mahinahon ang matangkad na hunk actor at beteranong direktor.

Nangako ang hunk actor na magbe-behave, alang-alang sa ikagaganda at ikabubuti ng kanilang programa.

Nag-adjust din siyempre ang beteranong direktor sa attitude ni hunk actor. Ayaw niyang mawalan ng trabaho, lalo’t nalalapit ang Kapaskuhan.

Hindi nagpaapekto si Direk sa tantrums ni hunk actor na nakaka-irita gomez, irita ora, irita hayworth, irita avila, irita magdalena...

Tungkol kay attitude girlita, hindi na ako nagtaka sa kanyang pagmamaldita. Ganyan na talaga siya noon pa.

Continue reading below ↓

Pero pag mediacon ay bait-baitan siya. Masarap kainterbyuhan.

Mabait naman ang nanay ni attitude girlita, kaya pinagpasensiyahan ko na lang siya. Baka marami siyang pinagdadaanan.

NOEL FERRER:

Mabait sa labas iyang sinasabing mong girlita na iyan, Tito Gorgy, pero may mga kuwento ako sa mala-Madonna ang Babaeng Ahas na ito.

Nag-break ang isang couple na malapit sa akin dahil inakit ng babaeng iyan ang lalaki.

Buti na lang, nagkapatawaran at nagkabalikan ang couple.

Pero nagkabukuhan na may lahing Anaconda ang babaeng 'yan na iba ang ugali, at nag-iba-iba rin ng pangalan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teleserye lead actress, bait-baitan sa press pero nuknukan daw ng maldita sa set. At maangas na hunk actor, behave na sa set pero nangde-deadma naman ng co-stars sa serye.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results