Joem Bascon, tensiyonado sa intimate bed scenes nila ni Lovi Poe

by PEP Troika
Nov 12, 2019
Joem Bascon, palabas-labas ng sinehan dahil sa sobrang tensyon sa daring scenes nila ng leading lady niyang si Lovi Poe sa The Annulment.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Nagulat si Joem Bascon sa tanong ng PEP Troika kung totoong nagkabalikan sila ni Meryl Soriano.

"Ay! Hindi po," mabilis niyang sagot sa amin.

Iyon ang isa sa kumalat na kuwento nang nagkasama sila sa shooting ng Culion.

"Nagka-work lang kami. We're really, really good friends," sabi pa ni Joem.

Nakatsikahan namin si Joem sa premiere night ng The Annulment nitong November 11, Lunes, sa SM Megamall.

Ang alam ko, may kanya-kanya silang love life, at napa-oo naman sa akin si Joem nang tinanong ko kung committed pa rin siya with someone.

Ang isa pa pala sa napansin ko kay Joem sa premiere night, palabas-labas siya ng sinehan at hindi niya pinapanood ang kabuuan ng pelikula.

Parang tensiyonado siya sa daring scenes nila ni Lovi Poe.

Wala namang all-out na hubaran pero medyo mapangahas ang ilang bed scenes nilang dalawa.

Kahit si Lovi ay medyo kabado rin daw sa mga nagawa niya sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓

"Nagugulat po ako. Kinakabahan ako, lalo na ngayon," bulalas ni Lovi nang kinumusta namin pagkatapos ng pelikula.

Pero maganda kasi ang kabuuan ng pelikula at tiyak maraming mga mag-asawa ang makaka-relate sa kuwento.

Pareho ring magaling sina Lovi at Joem sa ginampanan nilang papel.

Bukas, November 13, na mapapanood ang The Annulment.

Hiling ng karamihang nakapanood sa premiere night ay sana tangkilikin ito dahil maganda at maayos ang pagkadirek ni Direk MacArthur Alejandre.

Binigyan ito ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

NOEL FERRER:

Wala nang mas mapangahas pa sa pakikipaglampungan ni Joem kay Jake Cuenca sa Lihis, isang 2013 gay film na ang direktor ay si Joel Lamangan.

Kapwa sila walang saplot sa batis, at nag-Victory Joe si Jake kay Joem.

Balita ko’y maayos itong pelikulang The Annulment ni Direk Mac Alejandre.

At magandang comeback vehicle ito dahil ang kanyang Taguan ay maganda rin!

Welcome back to good filmmaking, Mac!

Continue reading below ↓

As for Joem and Meryll, gusto ko silang magkabalikan. Pero ako lang naman iyon. May sari-sarili na silang buhay.

JERRY OLEA:

Mapangahas din si Joem sa Siphayo, ang 2016 film na pinagbidahan nila nina Nathalie Hart at Luis Alandy sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Memorable ang pagniniig nina Joem at Nathalie sa maisan.

Sa ongoing Cinema One originals film fest, bida si Joem sa Utopia na isa sa walong official entries.

Sa darating na 45th Metro Manila Film Festival ay tampok si Joem sa dalawang pelikula—Culion at Write About Love.

Mahusay si Joem at marunong makisama kaya hindi siya nauubusan ng project.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon, palabas-labas ng sinehan dahil sa sobrang tensyon sa daring scenes nila ng leading lady niyang si Lovi Poe sa The Annulment.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results