Top 12 finalists ng The Clash Season 2, simula na ang bakbakan

by PEP Troika
Nov 12, 2019
Sino ang pinakamatinding pambato sa Top 12 finalists ng The Clash Season 2?
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Ipinakilala ng The Clash Season 2 sa media ang kanilang 12 grand finalists nitong Nobyembre 11, Lunes ng gabi.

Ang mga ito ay sina Al Fritz ng Cavite, Aljon Gutierrez ng Oriental Mindoro, Antonette Tismo ng Parañaque, Clark Serafin ng Cebu, Janina Gonzales ng Parañaque, at Jennifer Maravilla ng Malabon.

Pasok din sina Jeremiah Tiangco ng Cavite, Lorraine Galvez ng La Union, Nef Medina ng Cavite, Sassa Dagdag ng Pampanga, Thea Astley ng Qatar, at Tombi Romulo ng Cavite.

Kapansin-pansin na ang daming finalists ng Cavite, at kinatatakutan pang makalaban ng kapwa finalists.

Tinanong silang 12 kung sino sa mga kapwa finalist ang kinatatakutan nilang maka-clash, at karamihan sa kanila ay si Jeremiah Tiangco ang binanggit.

Iba raw ang style ni Jeremiah na kahit ang simpleng kanta ay parang gustung-gusto mo raw pakinggan kapag ito na ang kumakanta.

Lalo tuloy na-pressure ang binata ng Cavite dahil hindi raw niya naisip na dapat siyang katakutan.

Continue reading below ↓

"Medyo nakaka-pressure po talaga. Pero siyempre, palagi pong pinapaalala sa akin na just do your thing para hindi po ma-pressure sa expectations ng mga clashers," pahayag ni Jeremiah.

Magagaling silang lahat, pero pagkatapos nilang mag-perform kagabi, karamihan sa mesa namin ay na-impress kaya Thea ng Qatar.

Iba rin ang style niya na parang mala-KZ Tandingan ang dating. Idol raw niya si KZ, pati si Julie Anne San Jose.

Continue reading below ↓

Pero kung papalarin, ang isa pang idolo niyang si Kyla ang gusto niyang tahaking tipo ng career path.

First singing competition daw itong The Clash na sinalihan ni Thea kaya sobrang excited daw siya at walang ideya kung ano ang magiging resulta nito.

Ilan pa sa impressive din ang performances ay sina Clark Serafin ng Cebu, Janina Gonzales ng Parañaque, at Lorraine Galvez ng La Union na aksidenteng nakipag-duet pa sa kanya si Lani Misalucha.

Continue reading below ↓

Magaling din itong si Antonette Tismo na siyang nag-viral dati na batang nagtitinda ng bibingka at kumakanta ng "Sayang na Sayang" ng Aegis.

Simula sa Sabado, November 16, magsisimula ang labanan ng first group of six finalists.

Magtatapat ang dalawang weakest clasher para ma-save nila ang sarili at maakyat pa rin sa Top of the Clash.

Pero bilang maraming twist ang competition na ito, marami pang puwedeng mabago, at iyan ang isa sa aabangan natin.

JERRY OLEA:

Wala sa aking diwa ang 12 finalists ng The Clash Season 2. Good luck sa kanila.

Kung sino man ang magwagi, nawa’y maitaguyod nang husto ang kanyang career sa Kapuso Network.

Siyangapala, panauhin ang The Voice Kids Philippines 2019 Grand Champion na si Vanjoss Bayaban sa paglulunsad ng Christmas Animated Display bukas, Nobyembre 13, Miyerkules ng 6 P.M., sa Times Square Food Park, Araneta City, Quezon City.

May kiddie rides, kiddie skating rink, at food stalls sa naturang food park.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Wala rin sa aking diwa ang The Clash Season 2.

Pero sana, mapasikat pa nila ang kanilang Season 1 winner na si Golden Cañedo.

Kung may bagong kampeon na, paano na si Golden, di ba?

Sa mga ganitong kumpetisyon, mas pinapaboran iyong mga kakaiba. Kaya matunog iyong Thea na ka-style ni KZ.

But there can only be one Thea, di ba, Mikoy Morales?

Malamang kapag nanalo ito, baka mag-iba ng pangalan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang pinakamatinding pambato sa Top 12 finalists ng The Clash Season 2?
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results