Signal Rock, Liway, Buy Bust, Goyo, humakot ng nominasyon sa 37th Luna Awards

by PEP Troika
Nov 12, 2019
Alin sa mga pelikulang pinagbidahan nina (L-R) Christian Bables, Glaiza de Castro, Anne Curtis, at Paulo Avelino ang hahakot ng parangal sa darating na 37th Luna Awards?
PHOTO/S: Signal Rock / Liway / Buy Bust / Goyo

JERRY OLEA

Nagsanib-puwersa ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa 37th Luna Awards.

Ang Nominees’ Night ay gaganapin sa Nobyembre 20, Miyerkules, 6:30 P.M. sa Delgado 112, Sct. Delgado St., Quezon City.

Ang Awards Night ay sa Nobyembre 30, Sabado, 5:30 P.M. sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Tig-siyam ng nominasyon ang Signal Rock ni Chito Roño, at Liway ni Kip Oebanda.

Tigwalo ang nominasyon ng Buy Bust ni Erik Matti at ang Goyo: Ang Batang Heneral ni Jerrold Tarog.

Ang mga nominadong BEST ACTRESS ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Ai-Ai delas Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story), at Agot Isidro (Changing Partners).

Ligwak sina Nadine Lustre (Never Not Love You), Kathryn Bernardo (The Hows of Us) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset)!

Ang mga nominadong BEST ACTOR ay sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Christian Bables (Signal Rock), Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), Daniel Padilla (The Hows of Us), at Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story).

Continue reading below ↓

Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS ay sina Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Daria Ramirez (Signal Rock), Max Collins (Citizen Jake), Nova Villa (Miss Granny), at Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset).

Waley si Cherie Gil (Citizen Jake)!

Ang mga nominadong BEST SUPPORTING ACTOR ay sina Arjo Atayde (Buy Bust), Soliman Cruz (Liway), Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral), Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral), at Mon Confiado (Signal Rock).

Pagpupugayan ang mga yumaong direktor na sina Wenn Deramas at Soxie Topacio para sa Lamberto Avellana Memorial Award.

May special award din kay Nova Villa para sa Manuel de Leon Exemplary Award, at kay Mother Lily Monteverde para sa Fernando Poe Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award.

GORGY RULA

Maganda ang line-up ng nominees ng 37th Luna Awards.

Sana, maganda na rin ang line-up ng magiging winners. Pati special awardees na paparangalan nila ay tama rin.

Pero sa mga namayapang direktor, sana ay isinama na rin si Eddie Garcia na magaling ding direktor.

Continue reading below ↓

Magiging regular na sana iyong pamamahagi ng Film Academy.

Sana, maayos na rin ang lugar na lilipatan nila kasama ang Mowelfund pagkatapos ng eviction sa compound na patatayuan na yata ng condominium, di ba?

JERRY OLEA

Peer voting pa rin ang proseso ng pagboto sa Luna Awards.

Ang mga nominado sa bawat kategorya ay ibinuboto ng mga propesyonal na galing sa parehong sektor.

Nominadong BEST MOTION PICTURE ang Signal Rock, Liway, Buy Bust, Goyo: Ang Batang Heneral, at Gusto Kita with All My Hypothalamus.

Nominadong BEST DIRECTOR sina Chito Roño (Signal Rock), Kip Oebanda (Liway), Erik Matti (Buy Bust), Dwein Baltazar (Gusto Kita with All My Hypothalamus), at Irene Villamor (Meet Me in St. Gallen).

Laglag si Jerrold Tarog na direktor ng Goyo!

NOEL FERRER

Ow, good luck sa mga nominado sa 37th Luna Awards.

Diyan na rin malamang ipapakilala si Vivian Velez bilang bagong FAP leader kapalit ni Leo Martinez.

Continue reading below ↓

Change is here, really!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alin sa mga pelikulang pinagbidahan nina (L-R) Christian Bables, Glaiza de Castro, Anne Curtis, at Paulo Avelino ang hahakot ng parangal sa darating na 37th Luna Awards?
PHOTO/S: Signal Rock / Liway / Buy Bust / Goyo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results