The Annulment, The Art of Ligaw, Two Love You, makaarangkada kaya sa takilya?

by PEP Troika
Nov 13, 2019
Opening day ngayon ng The Annulment nina Joem Bascon at Lovi Poe, The Art of Ligaw nina Epy Quizon at KZ Tandingan, at Two Love You nina Yen Santos at Hashtag Kid Yambao. Sila na kaya ang makaangat ng Pinoy movies sa box office?
PHOTO/S: The Annulment / The Art of Ligaw / Two Love You

JERRY OLEA

Nuknukan ng bagal ang pasok ng moviegoers sa local cinemas last week.

Iyong mga chuwariwap sa Facebook na abot-langit ang pag-hallelujah sa pelikulang pinapralala nila, deadma sa tanong ko kung magkano na ang cumulative gross ng ipinagmamalaki nila.

Maagang na-pull out iyong pelikulang nasagasaan ng "insidente" sa parking lot ng SM Megamall.

Nabalitaan na lang natin na mabibilang na sa mga daliri ang mga sinehan nito noong Nobyembre 11, na sinasabing masuwerteng araw dahil 11-11.

Nagkabugan sa bentahan ang Lazada at Shopee noong Lunes.

Kaya ba ang mga Pinoy, deadma sa movies noong weekend?

Ngayong Nobyembre 13, Miyerkules, aling pelikula kaya ang mamahalin ng Pinoy moviegoers?

Tatlong bagong Filipino film ang itatanghal sa mga sinehan—The Art of Ligaw nina KZ Tandingan at Epy Quizon, The Annulment nina Lovi Poe at Joem Bascon, at Two Love You nina Yen Santos, Lassy Marquez, at Hashtag Kid Yambao.

Today rin ang opening ng Cinta itu Buta na Indonesian remake ng sleeper hit na Kita Kita (2017); Ford v Ferrari nina Christian Bale at Matt Damon na umaatikabo ang aksyon; at siyempre pa Charlie’s Angels nina Naomi Scott bilang Elena, Kristen Stewart bilang Sabina, at Ella Balinska bilang Jane.

Continue reading below ↓

Good morning, Angels! Sa susunod na Miyerkules, Nobyembre 20, magpapalamig na ang Frozen 2!

Makikipagsapalaran ang Snow Queen na si Elsa at ang sister niyang si Anna sa lugar na malayo sa kaharian ng Arendelle.

Ka-join siyempre ng magkapatid sina Kristoff, Olaf, at Sven!

NOEL FERRER

Kakabakaba ka ba?

As we closed the week, halos lima na lang na sinehan ang nagpapalabas ng Cara X Jagger at parang nawala na rin (although mas may tao naman) ang Nuuk.

Nakakakaba para sa The Annulment, The Art of Ligaw, at Two Love You na kalaban ng Charlie’s Angels today.

Ganoon din para sa Adan at Damaso na sasagupa sa Frozen 2 next week.

Pero we wish them all the best! Suportahan po natin ang mga pelikulang Pilipino!

GORGY RULA:

Wala akong ideya at interes sa foreign films na makakasabay ng mga pelikula natin.

Napanood ko ang The Art of Ligaw at puwede itong umepek sa millennials na hindi na uso ang panliligaw sa iilan sa kanila.

Continue reading below ↓

Puwedeng may matutunan sila sa tradisyonal na panliligaw at pananaw ng taong nanliligaw at nililigawan.

Matutuwa sa pelikulang ito ang fans ni KZ Tandingan dahil nakakaarte pala siya.

Maganda ang The Annulment na may mga kakilala akong tiyak na makaka-relate sa kuwentong mag-asawa na may mga pinagdaanang challenges sa kanilang pagsasama.

Magaling dito sina Lovi Poe at Joem Bascon, at sa totoo lang, maganda ang pagbabalik ni Direk Mac Alejandre sa pagdidirek ng pelikula.

Hindi ko pa napanood ang Two Love You, pero aliw na aliw ang mga kabadingan sa trailer pa lang.

Kaya magkakaiba ng audience ang tatlong pelikulang ito na sana panoorin, bilang magsusuweldo na sa weekend, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Opening day ngayon ng The Annulment nina Joem Bascon at Lovi Poe, The Art of Ligaw nina Epy Quizon at KZ Tandingan, at Two Love You nina Yen Santos at Hashtag Kid Yambao. Sila na kaya ang makaangat ng Pinoy movies sa box office?
PHOTO/S: The Annulment / The Art of Ligaw / Two Love You
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results