Michelle Dee, handang-handa na para sa Miss World 2019

by PEP Troika
Nov 13, 2019
Lilipad na si Michelle Dee papuntang London, England sa November 19 para sa Miss World 2019.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Napaluha si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee sa send-off presscon nitong Nobyembre 13, Miyerkules, sa Nanka restaurant, Mother Ignacia St., corner Roces Avenue, Quezon City.

All-smiles si Michelle sa messages of support sa kanya ng mga kapwa beauty queen at mga kaibigan sa ALV Talent Circuit, Inc., pero agad lumagaslas ang kanyang luha sa pagsorpresa sa kanya ng 15-anyos na kapatid na si Abraham Lawyer.

Ani Abraham, ang kanyang ate Michelle ang nag-alaga sa kanya noong bata pa siya.

Nag-Angkas si Abraham mula Makati City para makadalo sa send-off mediacon.

Ang mother nilang si Melanie Marquez ay may taping para sa One of the Baes kaya hindi ito nakarating.

Siniguro ni Michelle na maayos ang kanyang pasaporte at visa kaya hindi siya magkakaproblema sa immigration.

Pinaghandaan din niya ang advocacy niya kaugnay sa Autism Awareness, at after the mediacon ay may meeting pa siya kaugnay roon.

Nobyembre 19, Martes, ang alis ni Michelle pa-London kasama ang kanyang pamilya, handlers sa MWP (Miss World Philippines) at GMA 7, mga kaibigan, at training team.

Continue reading below ↓

Todo-pasalamat si Michelle sa lahat ng tumutulong at sumusuporta sa kanya.

Ang final gown at national costume niya ay likha ni Francis Libiran. All-Filipino ang wardrobe ni Michelle.

Para sa pre-pageant activities, baon niya ang gowns nina Renee Salud, Nono Palmos, Chris Nick, Jojo Bragais, at iba pa.

Ang online voting ng Miss World 2019 ay sa pamamagitan ng MobStar, ang official app ng timpalak.

Ite-telecast ng GMA-7 ang Miss World 2019 sa Disyembre 14, Sabado ng 10 P.M.

GORGY RULA

Kakaibang Oriental beauty si Michelle Dee. Baka umepek siya sa London.

Sabi nga niya, hindi style ng mommy niya ang irarampa niya sa Miss World, kundi ang style niya mismo.

Sana panlaban itong puwedeng tumalo sa mahigit 80 candidates na makakalaban niya.

OK na yung dito na siya lumuha. Huwag yung luha rin ang iuuwi niya rito.

Lahat tayo ay umaasang maganda ang resulta ng laban niya sa Miss World.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kahapon, November 12, umasa tayo bilang bansa na sana’y nakuha ni Patch Magtanong ang korona sa Miss International 2019 dahil deserving naman talaga siya... pero sayang at nasilat pa ni Miss Thailand.

Dahil diyan, inaway tuloy ng isang baklitang singer ang isang kasamahan nating PEP reporter dahil sa kanyang personal choice at inakusahan ito ng unfair na paratang, nakakaloka!

In any case, good luck na rin kay Michelle Dee.

Sana nakatulong ang kanyang mommy sa kanyang paghahanda sa international pageant.

I’m sure, kapag nanalo si Michelle, eeksena itong baklitang singer na ito na kilala sa pagka-aristokrata!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lilipad na si Michelle Dee papuntang London, England sa November 19 para sa Miss World 2019.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results