Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Tambalang Francine-Kyle at Andrea-Seth, back-to-back ang digital movies sa iWant

by PEP Troika
Nov 13, 2019
Ang Gold Squad ng Kadenang Ginto na sina Kyle Echarri-Francine Diaz at Andrea Brillantes-Seth Fedelin, pagbibidahan ang iWant movies na Silly Red Shoes at Wild Little Love.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Back-to-back ang mediacon ng iWant digital movies na Silly Red Shoes ng KyCine (Kyle Echarri at Francine Diaz) at Wild Little Love ng SethDrea (Seth Fedelin at Andrea Brillantes).

Ginanap ito nitong Nobyembre 13, Miyerkules ng gabi, sa 9501 restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN, Quezon City.

Dalawa ang hashtag, siyempre, at back-to-back ang streaming sa Nobyembre 23 at 27.

Maagang Pamasko ito ng phenomenal Gold Squad ng daytime drama na Kadenang Ginto, at first anniversary movie presentations ng iWant.

Pagbobotohan sa Facebook poll ng DreamscapePH mula 8 P.M. ng Nobyembre 13, Miyerkules hanggang 10 P.M. ng Nobyembre 22, Biyernes kung aling digital movie ang mauuna ang streaming.

Team Silly vs. Team Wild ito!

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Aling tandem ang mas marami at mas masigasig ang mga tagasubaybay sa pagboto?!

Ang Silly Red Shoes ay kinunan sa Liliw, Laguna. Sapatero ang papel ni Kyle, at kinuha niyang modelo si Francine.

Sa direksyon ni James Mayo, ang Silly Red Shoes ay tampok sina Anna Luna, Karen Reyes, at Herbert Bautista.

Co-produced ito ng Dreamscape Entertainment Spring Films.

Sa Wild Little Love, spoiled rich girl ang papel ni Andrea, samantalang poor boy na hinahabul-habol ng girls ang karakter ni Seth.

Nasa cast din ng Wild Little Love sina Carmina Villarroel, Alfred Vargas, Criza Taa, Jin Macapagal, at Victor Neri.

Idinirek ito ni Benedict Mique at joint venture ng Dreamscape Entertainment at Lonewolf Films.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Well-deserved ng Gold Squad ang magkapelikula at magandang test ito sa lakas ng kanilang clout, if ever.

Of course, we know na there are TV stars and there are movie stars.

Sana, with the right project, the Gold Squad can cross over to film with their audience na may purchasing power!

Gagastusan ba sila ng kanilang supporters? Aabangan natin iyan!

GORGY RULA

Gustung-gusto sana ni Quezon City Fifth District Alfred Vargas na makadalo sa mediacon ng Wild Little Love.

Pero nataong examination niya ngayong Wednesday night sa University of the Philippines, kung saan nagma-Master siya sa Public Administration.

Pero natutuwa raw siya dahil nakatrabaho niya ulit si Carmina Villarroel, pagkatapos nilang magkasama sa defunct Kapuso prime-time series na Kambal Karibal.

Nagpapasalamat din si Alfred sa Dreamscape dahil kahit madalas na sa GMA-7 siya lumalabas, naalala siyang kunin para sa proyektong ito ng iWant TV.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Gold Squad ng Kadenang Ginto na sina Kyle Echarri-Francine Diaz at Andrea Brillantes-Seth Fedelin, pagbibidahan ang iWant movies na Silly Red Shoes at Wild Little Love.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results