Rocco Nacino, di pa handang makatrabaho muli si Lovi Poe

by PEP Troika
Nov 14, 2019
Rocco Nacino on ex-girlfriend Lovi Poe: “Hindi pa kami nakakapag-usap. I don’t know kung closure talaga. Pero so far, hindi pa rin ako nakikipag-usap, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Mabilis ang sagot ni Rocco Nacino nang usisain kung handa siyang makasama sa isang project ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe.

“Not for now. Maybe in time siguro, but definitely not now,” umiiling niyang sagot sa photo shoot ng MMFF 2019 entry niyang Write About Love nitong Nobyembre 13, Miyerkules, sa TBA Studios.

Ayaw lang niyang magkuwento, pero na-gets naming hindi maganda ang breakup nila na hindi pa rin na-settle o hindi nagkaroon ng closure hanggang ngayon.

“Hindi pa kami nakakapag-usap. I don’t know kung closure talaga.

"Pero so far, hindi pa rin ako nakikipag-usap, e," sabi ni Rocco.

Naungkat ang usapan sa dating kasintahan dahil sinabi ni Rocco na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pag-iibigan ang Write About Love.

Makaka-relate daw ang millennials sa kuwento ng pelikulang ito dahil inilalahad dito ang mga sakit na pinagdadaanan kapag umibig. Kaya sobrang naka-relate din siya.

“Tulad ng sinabi dito sa movie namin sa Write About Love, you have to experience pain before you experience joy.

Continue reading below ↓

“This is experiencing different kinds of love and going through different pains that scriptwriters have to feel or experience to write something so beautiful,” dagdag niyang pahayag.

Scriptwriters ang papel dito nina Rocco at Miles Ocampo, at sina Joem Bascon at Yeng Constantino ay characters sa binubuo nilang screenplay.

NOEL FERRER

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Rocco sa kanyang pahayag.

Actually, bago pa man pag-usapan ang paggawa ng bagong pelikula, may isang pelikula sina Rocco at Lovi na hindi pa naipapalabas—yung Lakambini ba yun nina Jeffrey Jetturian at Ellen Ongkeko yata?

Ano na kayang nangyari roon?

JERRY OLEA

Ayon sa aming source, sadyang kaibig-ibig ang dating ni Rocco sa photo shoot para sa Write About Love.

Level up na si Rocco sa pagiging romantic leading man!

Nang makapanayam namin si Rocco kamakailan sa DZRH program na Showbiz Talk Ganern with Morly Alinio and Gorgy Rula, proud siya sa tambalan nila ni Miles.

Continue reading below ↓

Maayos na natapos ang kanilang shooting, at binusisi iyon ng direktor nilang si Crisanto Aquino.

May chance na mag-Best Actor si Rocco sa MMFF 2019, pero mas gusto niyang umariba sa takilya ang kanilang pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on ex-girlfriend Lovi Poe: “Hindi pa kami nakakapag-usap. I don’t know kung closure talaga. Pero so far, hindi pa rin ako nakikipag-usap, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results