Morissette Amon, in-unfriend si Jobert Sucaldito sa Facebook

by PEP Troika
Nov 14, 2019
Bakita kaya in-unfriend ni Morissette Amon ang concert producer at talent manager na si Jobert Sucaldito?
PHOTO/S: Morissette Amon Instagram

JERRY OLEA

In-unfriend ni Morissette Amon si Jobert Sucaldito sa Facebook.

Si Jobert ang manager ng baguhang singer na si Kiel Alo.

Si Jobert din ang producer ng birthday concert ni Kiel noong Nobyembre 6 sa Music Museum, kung saan inumpug-umpog ni Morissette sa pader ang kanyang ulo matapos siyang mainterbyu ni Mario Dumaual para sa TV Patrol.

Nag-walkout kapagkuwan si Morissette.

“Nakaka-sad naman,” post Jobert sa FB nitong Nobyembre 14, Huwebes ng umaga.

Dagdag ni Jobert, “In fairness, di naman niya ako binlock. Dati kasi mag-friends kami. Iyung ibang pics niya like yung masayang shot niya with some boys (parang semi-selfie) last november 7, 2019 at 12:09 PM (the day after the controversial walk-out scene sa Music Museum) ay dinelete na rin niya.

“Saya kasi ng aura niya roon -- all smiles na parang di naman kasi depressed.

“Pati yung post niya of her apology ay inalis na rin niya. Ipinalit niya yung shinare kong apology niya.

Continue reading below ↓

“Gayunpaman, God bless her pa rin sa depression niya kung totoo man ito. Take care, dear. Iyon na lang ang masasabi ko.”

Kabilang si Morissette sa 40+ Kapamilya stars na magtatanghal sa ASAP Natin ‘To Rome sa Nobyembre 16, Sabado, sa Palazzo Dello Sport, Roma, Italia.

NOEL FERRER

Akala ko, OK na sila at nagkapatawaran? Bakit may ganito pang kaganapan?

Hay, nakakalungkot ito sa dating magkaibigan.

Sana maisalba pa ang magandang pinagsamahan.

GORGY RULA

Kung mag-unfriend man silang dalawa, hindi naman siguro sila kawalan sa isa’t isa. Move on na lang.

Siguro, kung magkaroon ng pagkakataong makapag-usap sila nang maayos, puwede na silang maging friends uli.

Sa kabilang banda, ang dami nang sumikat, lumubog, at sumikat uli, nandiyan pa rin si Jobert.

Kilala ko si Jobert na matindi kung magbuhos ng pagmamahal sa mga kaibigang itinuring hindi na iba sa kanya.

Minsan siguro, puwede silang magmuni-muni at isiping mabuti na, minsan, ang mga tapat na kaibigan ay hindi kayang palitan ng boyfriend o girlfriend man.

Continue reading below ↓

Kaya mas pinahahalagahan ko talaga ang pagkakaibigan kesa pag-iibigan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakita kaya in-unfriend ni Morissette Amon ang concert producer at talent manager na si Jobert Sucaldito?
PHOTO/S: Morissette Amon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results