Love story ng TNT contestant, tampok sa MMK; Rayver Cruz at John Estrada, bibida sa Magpakailanman

by PEP Troika
Nov 14, 2019
Joseph Marco at Ritz Azul, bibigyang-buhay ang love story ng Tawag Ng Tanghalan contestant na si Violeta "Violy" Bayawa. John Estrada at Rayver Cruz, gagampanan ang pagkakaibigang nabuo sa gitna ng digmaan sa Magpakailanman.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA:

Hindi sukatan ang panahon at distansiya sa tunay na pinag-isa ng tadhana.

Abangan ang kuwento ng pag-ibig ni "Tawag Ng Tanghalan" semi-finalist Violeta Bayawa sa Maalaala Mo Kaya sa Nobyembre 16, Sabado ng 8:30P.M., sa ABS-CBN.

Tampok dito sina Ritz Azul at Joseph Marco, na nagkasama noon sa teleseryeng Los Bastardos.

Bida naman sina John Estrada at Rayver Cruz sa Magpakailanman sa Sabado night sa GMA-7.

Maaari bang mabuo ang pagkakaibigan ng dalawang nilalang mula sa magkasalungat na panig ng digmaan?

Ano ang kaya nilang isakripisyo para mamayani ang pagkakaisa at kapayapaan?

GORGY RULA:

Mukhang interesting itong kuwento ni Nanay Violeta na sinopresa pa yata siya ng dating asawa sa It’s Showtime.

Kampante ang mga taga-MMK na kahit hindi kalakihan ang mga artistang gaganap, pinapanood pa rin sila dahil ang ganda ng kuwento ang ibinebenta.

Wala akong ideya sa kuwento ng Magpakailanman, pero mabuti at nakakag-guest pa si John Estrada sa ilang programa.

Continue reading below ↓

May kasunod na kaya siyang soap sa Kapuso network?

Magkakasunod namang mapanood si Rayver sa darating na Sabado, dahil meron pa siyang The Clash bago ang Magpakailanman.

NOEL FERRER:

Rayver Cruz festival nga pala sa GMA Network sa Sabado.

Ano iyon, pam-fulfill ng guaranteed income or pag-amin na sa Kapuso network, si Rayver ay isang big star na, samantalang sa ABS-CBN noon, siya’y "one of those" lang?

Pero ang tanong: nakapag-transition na ba si Rayver bilang mahusay na aktor, bagay na hamon sa kanya noon pa man?

Dagdag pang pressure na ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez ay may award na bilang best actress, di ba?

Sana patuloy na bantayan ni Rayver hindi lang ang dami ng trabaho kundi ang kalidad nito!

As for Ritz Azul and Joseph Marco, parang it’s a three-way tie silang lahat nina Rayver! Good luck!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Marco at Ritz Azul, bibigyang-buhay ang love story ng Tawag Ng Tanghalan contestant na si Violeta "Violy" Bayawa. John Estrada at Rayver Cruz, gagampanan ang pagkakaibigang nabuo sa gitna ng digmaan sa Magpakailanman.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results