Morenong aktor na katamtaman ang taas, may taglay na pambihira

by PEP Troika
Nov 14, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Tatahi-tahimik ang isang morenong aktor na katamtaman ang taas, pero lintek ang kanyang tinik sa mga dilag.

Matulis sa dilang matulis, sandahutay na starlet ang makakakapagpatunay kung gaano kagiting ang kanyang kadakilaan. ‘Tsura ni Podrick Payne sa Game of Thrones!

Binatilyo pa lang siya ay natutunan na niya ang pagsimsim ng bubuyog sa nektar ng kampupot.

Disisais anyos ang morenong aktor na mukhang totoy na totoy nang mahumaling sa kanya ang isang babaeng halos doble ng edad niya.

Panay-panay ang pagreregalo ng babae kay totoy dahil sa luwalhating nalasap niya rito na walang kapara, hindi matingkalan, nasa ikapitong langit ang sukdulan.

Nakasanayan ng morenong aktor na siya ang sinusuyu-suyo ng mga babaeng nakatikim sa taglay niyang pambihira.

Ang isang starlet na walang ningning, may pasalubong kay morenong aktor na imported shoes mula sa Hong Kong, humigit-kumulang sa P16,000 ang halaga. Pang-exchange gift iyon noong Kapaskuhan.

Ang regalo ng morenong aktor sa starlet na walang ningning... Christmas card.

Continue reading below ↓

Napakagaling ni morenong aktor sa time management. May panahon na pinagsabay niyang syotain ang tatlong babae.

Minahal nang totoo ng morenong aktor ang isang maalindog na aktres na hubog-mola.

Noong una ay itinatanggi pa iyon ni morenong aktor, pero lumutang din ang katotohanan. Kung sino ang higit na sawi, ibanaon na nila iyon sa limot.

Nagkamabutihan ang morenong aktor at super-sikat na female celebrity, subalt nanindigan ang morenong aktor na magkaibigan lang sila. Ayaw niyang maging masalimuot ang kanilang turingan.

Titibuk-tibok nilang mga puso, nasugatan nang malalim kaya matagal-tagal na kikirut-kirot. Napaghilom din naman sa tamang panahon.

Sa isang umpukan ng mga artista, naihimutok ng morenong aktor na lumiliit na ang kanyang alaga.

“Hindi kaya!” mabilis na pagkontra ng baguhang starlet na kasama niya sa programa.

Mahulaan kaya ninyo kung ano ang taguri kay morenong aktor ng co-stars niya sa isang weekly TV show?

NOEL FERRER

Pero talented ang morenong aktor na iyan, ha?!

Continue reading below ↓

Sayang at hindi ang pagka-aktor niya ang pinag-uusapan kundi ang kanyang kargada.

Buti na lang, tapos na ang mga araw ng pagpapariwara, at mukhang seryoso na siya sa bago niyang karelasyon.

Kung sabagay, yung dalawang kilalang aktres na-link sa kanya ay masaya na rin sa kani-kanyang relasyon!

Sana mapalaki pang lalo itong aktor na ito. Sayang naman kung hindi.

GORGY RULA

Nakakaaliw ang kuwento ng isang writer na nakatikiman nitong morenong aktor.

Bongga raw talaga si morenong aktor, pero ang ikinaloka ni writer, nalaman na lang niya bandang huli na pagkatapos sa kanya... tumuloy si morenong aktor sa isang starlet na nakatikiman din niya.

Tunay na sex machine ang ating bida!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results