Madrasta nina Arra San Agustin at Juancho Trivino, nanganganib masibak?

by PEP Troika
Nov 14, 2019
Gaano katotoo ang usap-usapang maagang magpapaalam sa ere ang afternoon drama series na pinagbibidahan nina Arra San Agustin at Juancho Trivino?
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Bulung-bulungan na nanganganib nang masibak sa Kapuso Network ang weekly shows na Sunday PinaSaya at Daig Kayo Ng Lola Ko.

Blocktimer ang Sunday PinaSaya na mabenta sa advertisers, at bonggacious ang ratings. Kung ano’t ano man, “tuloy ang saya” para sa mga artista ng programa.

Umalis na sa Daig Kayo Ng Lola Ko si Bb. Gloria Romero at malabong bumalik siya rito.

Nagpahiwatig ang bolang kristal na mas mauunang matigbak ang panghapong teledrama na pinagbibidahan ni Arra San Agustin, ang Madrasta.

Noong Oktubre 7 nag-umpisa ang Madrasta, pero lubha itong kumakain ng alikabok sa katapat na Sandugo nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Kumbaga, ito ang “weakest link” sa mga panghapong drama series ng Kapuso Network.

Lumalaban ang Magkaagaw sa last part ng It’s Showtime, ganoon din ang Prima Donnas sa phenomenal na Kadenang Ginto.

Hilaw pa para magbida si Arra?!

Sa My Special Tatay ay inakala ng marami na si Arra ang leading lady ni Ken Chan, pero mas kinagat ng televiewers ang tandem ni Ken with Rita Daniela.

Continue reading below ↓

Umaariba ang follow-up series nilang One of the Baes.

Ang leading man ni Arra sa Madrasta ay si Juancho Trivino, na huling nagbida sa Magkaibang Mundo (2016) katambal si Louise de los Reyes.

Nasa cast din ng Madrasta sina Thea Tolentino, Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Almira Muhlach, Phytos Ramirez, at Ahron Villena.

GORGY RULA

May kuwento ngang baka matsugi na ang Madrasta, at ang isa sa sinisisi ay si Juancho dahil sa attitude daw nito sa set.

Hindi pa nakakausap ng PEP Troika si Juancho para hingin ang panig niya, pero meron na rin kaming nakausap na ipinagtanggol siya.

Unfair daw kay Juancho na parang pinapalabas siyang nag-a-attitude sa set ng kanilang drama series.

Base sa lumabas na blind item, hindi raw totoo yung may minura siyang driver. Never daw gagawin iyan ni Juancho.

Nagkaroon lang daw ng konting pagtatalo sa paghatid sa kanila sa service dahil hindi lang si Juancho ang gumagamit ng service kundi ang iba ring artista gaya nina Arra San Agustin at Thea Tolentino, lalo na kung out of town ang location.

Pero walang pagmumura at lalong hindi raw namura ang driver. Doon sa nagkasagutan sila ni Direk Monti Parungao, ipinaliwanag ng kausap naming mahirap daw talaga ang eksena kung saan may pinapaulit na linya kay Juancho.

Pinipilit daw ni Direk Monti na hindi nabanggit iyon ni Juancho, pero sinabi ng aktor na kumpleto ang linya niya.

Ang hirap pa raw ng sitwasyon ni Juancho dahil sa rain effect kaya basang-basa na siya.

Kaya may nasabi raw siyang hindi nagustuhan ni Direk, na buong akala niya ay siya ang minura. Doon na raw sila nagkasagutan.

Pero nagkausap sila nang maayos at humingi na si Juancho ng sorry.

Pero pina-pack up pa rin ni Direk ang taping dahil may tensiyon na raw sa set.

Ang alam daw ni Juancho ay okay na sila at tapos na isyu, kaya nagulat na lang siya na may naglabasang ganitong kuwento.

Sana, nagkaayos na talaga sila, dahil nakakanega ito sa taping.

Continue reading below ↓

Dagdag ang nasagap naming kuwento, wala raw nagsasabing tatapusin na agad ang Madrasta.

Ang pagkakaintindi nila, next year pa malalaman kung meron na bang tatapusin na serye sa hanay ng mga afternoon drama. Next year pa iyan magkakaalaman.

NOEL FERRER

Minsan, ipinapa-float na matatanggal ang isang programa para mapag-usapan.

Doon mo mage-gauge kung may public clamor itong manatili o deadma lang ang mga tao sa kanila.

As for Arra San Agustin, parang hilaw pa siya. And the project may be so big a responsibility for her to carry.

Sayang naman!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaano katotoo ang usap-usapang maagang magpapaalam sa ere ang afternoon drama series na pinagbibidahan nina Arra San Agustin at Juancho Trivino?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results