Madrasta, hindi totoong titigbakin bago matapos ang 2019

by PEP Troika
Nov 16, 2019
“Sa mga nagkakalat na titigbakin ang Madrasta bago pa magsimbang-gabi... Quiboloy!” sabi ng source na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Maling akala! Saliwang haka-haka!

Ipinagdiinan ng aming source na magpu-full run na 16 weeks ang Kapuso afternoon series na Madrasta, na pinagbibidahan nina Arra San Agustin at Juancho Trivino.

“Sa mga nagkakalat na titigbakin ang Madrasta bago pa magsimbang-gabi... Quiboloy!” bulalas ng aming source.

“Bongga ang commercial load ng Madrasta. Siksik, liglig, hitik na hitik, nag-uumapaw.

“Iyong nakakapanginig na sampalan nina Gladys Reyes at Thea Tolentino, appetizer pa lang iyan!

"Mas matitinding confrontations ang matutunghayan sa mga susunod na linggo, habang paigting nang paigting ang mga kaganapan!”

Tumpak na pak na pak na nagkasagutan si Juancho at ang direktor ng teledrama na si Monti Parungao sa eksenang may rain effect.

Nagkapaliwanagan na sila nang mahinahon, kaya mabuti sigurong huwag na nating dalirutin iyon.

Iyong mga sumasawsaw na baluktot ang kaalaman sa pangyayari... Quiboloy!

Basta, antabayanan po natin ang mga susunod na kabanata!

NOEL FERRER

E, di wow! So, established BIDA na talaga si Arra San Agustin?

Continue reading below ↓

Antabayanan natin kung ano at kailan ang susunod niyang project para patunayan kung bida stature siya o bida-bida!

GORGY RULA

Iyon ang huling nasagap kong kuwento. Patatawarin pa raw talaga hanggang next year ang lahat na mga drama series, lalo na sa panghapon dahil magaganda ang ratings ng mga ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Yung Madrasta lang ang medyo hirap sa kalaban, kaya dapat mas matindi pa ang mga eksenang gagawin nila.

Alam niyo naman ang panghapon, dapat matitindi ang mga eksenang yayanigin ang mga natutulog na diwa.

Komiks na komiks at minsan OA na ang mga sampalan, sabunutan, habulan, at kung anu-anong kadramahan para patuloy na susubaybayan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Sa mga nagkakalat na titigbakin ang Madrasta bago pa magsimbang-gabi... Quiboloy!” sabi ng source na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results