Dulce, wagas ang himutok para sa asawang kamag-anak ng pulitiko

by PEP Troika
Nov 17, 2019
Dulce airs her grievance over her husband's unlawful termination by a politician whose identity she refused to disclose.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube

GORGY RULA

Pinik-ap ng ilang taga-media ang ipinost ni Dulce sa Facebook tungkol sa isang pulitiko na dating pinagtatrabahuan ng asawa niya.

Wala binanggit ang beteranang singer kung sino ito, pero sinabi niya nang nakapanayam ng PEP Troika na doon dati nagtatrabaho ang asawa niya pero tinanggal na ito.

Continue reading below ↓

Ipinost niya yun bilang reaksiyon sa mga lumalabas na balita at sa ginawa sa kanyang asawa.

“Ang iniingatan ko diyan, yung husband ko. Siya rin ang inaalala ko.

"Kasi, sila yung nagkaroon ng ganun.

“Ako… naging reaction ko lang yun dahil matagal ko na kasing naipon.

"Matagal ko na kasing sinuffer yun,” seryoso niyang pahayag nang nakapanayam namin sa mediacon ng The Greatest Show concert ni Jiro Custodio noong November 9 sa PVL Restaurant sa Mandaluyong City.

Sabi pa niya, “Nun kasing pumutok na, nandiyan na lahat.

"Kasi marami nang sinasabi, parang dinugtungan ko na lang para, kumbaga, in-agree ko na lang yung iba na totoo, meron talagang nangyayari at nag-suffer kami, nadamay ang pamilya in terms of kunwari sa trabaho niya, biglang tinerminate siya na wala kaming alam, walang abiso.

“Punta kami nang punta, harapin at kausapin, ano ang ibigay na reason, wala.

"Siyempre, ikaw man, hanapan ka ng sagot sa mga tanong, bigla ka talagang itsapuwera ka.

Continue reading below ↓

"Siguro, naging emotional lang ako about it.”

Natigil sandali si Dulce at nag-isip. Pero may dagdag pa siyang pahayag.

“Actually, my husband made me stop… ayaw na nga niyang ikonek ang pangalan na kamag-anak niya yun, sad to say.

“Kasi, parang siguro... inaalala niya, baka isipin ng tao na ganun din tayo, hindi naman.

“Hindi naman komo kasalanan ni Pedro, kasalanan ni Juan. Hindi ganun.

"It doesn’t follow because kamag-anak mo, ganun ka.

"Hindi naman kailangan ng ganun, kasi alam ko,” saad niya.

Mas okay na raw ngayon ang asawa niya na nagma-manage na sa kanya ngayon.

“Buti nga, wala ka na diyan, baka mamaya, maipit ka pa dun sa crossfire, etc. Mabuti lang, wala ka na diyan.

“E, since he’s handling naman my career, siya naman ang kausap sa lahat ng bookings, schedules, e, okay lang nandiyan siya.

“Naging kasama pa ng mga anak ko, hatid-sundo sa school, okay na yun. Mas magaan yun,” sabi pa ni Dulce.

Continue reading below ↓

Guest si Dulce sa The Greatest Show ng Bida Man runner-up na si Jiro Custodio na gaganapin sa November 23 sa Cuneta Astrodome.

JERRY OLEA

Masalimuot ang himutok ni Dulce sa pulitiko.

Makabubuti siguro na ituring niya itong blessing-in-disguise.

Ipaubaya niya sa Panginoon ang mga bagay-bagay, lalo pa’t patuloy ang pagdating ng mga biyaya sa kanilang pamilya.

NOEL FERRER

Kahit kilalang supporter ni Presidente Digong si Dulce ay patas siya sa mga hindi kapanalig at laging nagtatawag ng pagkakaisa.

Ano kaya ang nag-udyok sa kanyang maglabas ng ganitong statement?

Sana, hindi tayo sumuko sa paghahanap ng common grounds at good talking points para makapagtulungan tayo sa pag-usad ng bansa.

Read Next
Read More Stories About
Dulce, hardcore fans
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dulce airs her grievance over her husband's unlawful termination by a politician whose identity she refused to disclose.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results