Kisses Delavin, may iniwan pang bayarin sa condo unit na pag-aari ni Lorna Tolentino

by PEP Troika
Nov 17, 2019
Lolit Solis, naninidigang may iniwan pang bayarin si Kisses Delavin (kaliwa) sa pag-aaring condo unit ni Lorna Tolentino (kanan): “Hindi sila nagbayad ng utility bills ng for September and October. Hawak ni LT ang mga resibo kaya huwag silang mag-deny kung in good faith sila."
PHOTO/S: Rose Garcia / Mark Atienza

JERRY OLEA

Boom! Boom! Boomerang!

Nobyembre 14, Huwebes, ibinunyag ni Manay Lolit Solis sa Instagram ang himutok ni Rap Fernandez kontra kay Kisses Delavin.

Nirentahan kasi nina Kisses ang condo unit niya sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue corner Morato Extension, Quezon City.

Ang condo unit ay bigay kay Rap ng ina niyang si Lorna Tolentino, na alaga ni Manay Lolit.

Pumutok ang water valve sa condo unit. Umagos. Nagbaha. Nag-short circuit ang elevator.

Umalis sa condo unit sina Kisses.

Iyong tseke para sa Nobyembre at Oktubre, talbog.

Hindi makontak ni Rap sina Kisses, kaya ayun, pasabog ang istorya ni Manay Lolit sa IG.

Bash kete bash ang fans ni Kisses kay Manay Lolit, as expected.

Continue reading below ↓

Nobyembre 16, Sabado, inihayag ni Ricky Lo sa Instagram ang panig ng pamilya ni Kisses.

Hindi raw si Kisses ang kausap ni Rap kundi ang ina ng young actress na si Carrie Delavin.

Dahil sa sumabog na water valve, wala raw tubig sina Kisses sa condo unit. Hindi makaligo.

Hirap sa pagbaba at pag-akyat sa hagdanan. Nasira ang mga gamit nila. Kaya umalis na lang sila.

Bayad daw sina Kisses hanggang Oktubre. Pina-stop payment ni Mommy Carrie ang tseke para sa Nobyembre at Disyembre.

Nito ring Sabado, ipinost ni Manay Lolit sa IG na halos P1M ang gastos sa pagpapa-repair ng elevator sa Imperial, at sinisingil ni Mother Lily Monteverde (may-ari ng hotel) si Lorna para mag-share sa nasabing gastos.

Boom! Boom! Boom!

Dalawang buwang renta lang ang sinisingil ni Rap... 'tapos halos kalahating milyong piso ang sinisingil ni Mother Lily kay Lorna dahil sa sira sa elevator?!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kung ano pa man, kailangang bayaran na ni Kisses ang kanyang natitirang bill sa condo unit ni LT.

As for LT, tingnan niya ang provision ng kontrata — force majeure — at aksidente ang nangyari, I suppose.

Pero ano nga ba ang rule kapag ganoon?

JERRY OLEA

Parang si Manay Lolit pa ang sinisisi ngayon dahil sa pagbubunyag niya tungkol sa “miscommunication” (or is it non-communication?) between Rap and Kisses.

“Hindi kasi fair ang fans niya. Galit agad, e, easy solution lang naman,” reply ni Manay Lolit nang maka-text ko nitong Sunday night.

“Magbayad, period. Hawak ni LT ang mga iniwan nilang bayarin, ‘noh?!”

Anong bayarin?! Wala raw tinakbuhan sina Kisses dahil bayad daw sila hanggang Oktubre.

Pina-stop payment ni Mommy Carrie ay iyong for November and December dahil wala na sila sa condo unit.

Paglilinaw ni Manay Lolit, “Hindi sila nagbayad ng utility bills ng for September and October.

Continue reading below ↓

"Hawak ni LT ang mga resibo kaya huwag silang mag-deny kung in good faith sila.

“Nagbigay sila ng side nila kay Ricky Lo pero hanggang ngayon, wah sila pay!

“Nang makita ni Ricky Lo ang mga resibo na hawak ni LT, binura niya ang post niya sa IG!”

Ay! Oo nga, deleted sa IG ni Ricky Lo!

“Di bah?! Kaloka. Magbayad lang ang solusyon, hindi pa gawin. Bashing muna ang inuna. Weeh!!!”

If ever... magpapa-kiss pa ba siya kay Kisses?

Sagot ni Manay Lolit, “Naku, wah siya dats! Small issue, hindi niya ma-settle.

"Makikipag-usap na lang ako kay Abraham Lawyer kahit hindi niya maintindihan ang gramnar, diction, at pronunciation ko.

“Maglalagay na lang ako ng proper preposition. Ha! Ha! Ha! Mas madali pa!”

Si Abraham ang kinse-anyos na anak ni Melanie Marquez. Nakita ito ni Manay Lolit sa send-off party ni Michelle Dee noong Nobyembre 13, Miyerkules, sa Nanka restaurant, Mother Ignacia St., Quezon City.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis, naninidigang may iniwan pang bayarin si Kisses Delavin (kaliwa) sa pag-aaring condo unit ni Lorna Tolentino (kanan): “Hindi sila nagbayad ng utility bills ng for September and October. Hawak ni LT ang mga resibo kaya huwag silang mag-deny kung in good faith sila."
PHOTO/S: Rose Garcia / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results