Morenong aktor, kalat na sa showbiz industry ang pagiging "sex machine"

by PEP Troika
Nov 18, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ang daming nakahula sa blind item natin tungkol sa morenong aktor na kinahuhumalingan ng kababaihan.

Nang nabasa iyon ng ilang taga-network na nakatrabaho nitong morenong aktor, kaagad silang nag-text ng mga karagdagang kuwento sa PEP Troika.

Ibang klase raw ang agimat nito ng morenong aktor na hindi nila alam kung ano ang nagustuhan ng kababaihan, na kapagkuwan ay baliw-baliwan.

Maliban sa mga babaeng napagsasabay niyang suyuin, may ilan pa palang kilalang artistang nagkaroon din ng karanasan sa kanya.

Si aktres na bibidahin na, si aktres na magaling sumayaw, at isang magandang stylist... pinagsabay-sabay rin niyang hindi nagkakaalaman.

Ano ba ang sikreto ni morenong aktor?

Simple lang daw ba ang style niya, na hindi nila alam kung nadadaan ba sa ice cream?

Basta, meron siyang bonggang galing sa paglalambing at pakikipagsuyo sa magagandang dilag.

Minsan ay nag-effort si magandang stylist ng surprise birthday treat para sa ating bida.

Simpleng birthday dinner na dapat hindi talaga alam iyon ni papa.

Continue reading below ↓

Nagpatulong si magandang stylist sa isang kaibigang girl para maayos ang pa-surprise. Maganda rin yung kaibigang girl na kakilala rin ni morenong aktor.

Hindi namin alam kung paano nila naplano ang pa-surprise, pero lingid sa kaalaman ni magandang stylist, nakipagtikiman kay morenong aktor ang kaibigan niyang tumulong sa kanya.

Iyon yata ang isa sa freebies para sa birthday ni morenong aktor na buong pusong (hindi puso, kundi puson) na ibinigay ng kaibigan ni magandang stylist.

Kaya iba raw talaga si morenong aktor, na tila bathala ng kamunduhan.

Isa siyang magaling na “sex machine,” chorus ng ilang nakaalam sa kuwentong ito.

NOEL FERRER

Naku, masubukan nga itong dakilang aktor na ito! Char!

Sana lang, maliban sa angkin niyang galing sa acrobatics ay makilala na rin ang kanyang galing bilang aktor.

May ibubuga naman siya kung magseseryoso. Promise!

JERRY OLEA

Nasa kalendaryo pa ang edad ni morenong aktor, na may birtud sa kababaihang maalindog.

Continue reading below ↓

Inggit sa tulis at tikas niya ang mestisuhing aktor na mas matanda sa kanya ng limang taon.

Gustong matuklasan ni tisoy kung ano ba ang istilo ng morenong aktor kaya pila-pila rito ang mga pechay at bibingka.

Biniro ni mestisong aktor ang isang sariwang aktres na sisimsimin niya ang kampupot nito nang tatlong oras.

Ngumiti lang ang sariwang aktres at ipinagwalang-bahala ang hamon ni tisoy.

Malihim si morenong aktor. Ayaw niyang ibahagi kay mestisong aktor kung paano niya napapaamo ang kababaihan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results