JERRY OLEA
Nanguna ang reality show na Your Moment sa National TV Ratings (Urban + Rural) noong Nobyembre 16, Sabado, ayon sa Kantar Media.
Naka-25.8% ang Your Moment, kontra sa 14.7% ng Daddy’s Gurl.
Pumangalawa ang Home Sweetie Home Extra Sweet na naka-22.3%, kontra sa The Clash na naka-17.7%.
Pangatlo ang MMK episode nina Ritz Azul at Joseph Marco na naka-21.7%, kontra sa Magpakailanman episode nina John Estrada at Rayver Cruz na naka-12.8%.
Pang-apat ang Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento na naka-19.9%.
Tabla sa ikalimang puwesto ang 24 Oras Weekend at The Clash na parehong naka-17.7%.
Pang-anim ang TV Patrol Weekend na naka-16.8%.
Noong Nobyembre 17, Linggo, nanguna na naman sa ratings ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-26.4%.
Inilampaso ng KMJS ang katapat na Kapamilya Blockbusters (Exes Baggage nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban) na naka-9.3% lamang.
Pumangalawa ang Parasite Island na naka-24.9.%, kontra sa Daig Kayo ng Lola Ko na naka-15.7.%.
Pangatlo ang Rated K na naka-23.0%, kontra sa Amazing Earth na naka-15.7%.
Pang-apat ang Your Moment na naka-22.5%, kontra sa The Clash na naka-17.8%.
Oh, yes! Maging sa Kantar ay wagi ang The Boobay and Tekla Show na naka-6.0%, kontra sa Gandang Gabi Vice na naka-5.7% lamang.
GORGY RULA
Ayon naman sa AGB NUTAM, lamang na ang The Clash sa Your Moment noong Linggo, November 17.
Nakakuha ng 10.8% ang The Clash, kontra sa 9.8% ng Your Moment.
Pero noong Sabado, November 16, naka-tie ng The Clash ang Home Sweetie Home sa rating na 9.6%.
Nung Sabado ay panalo ang Pepito Manaloto na may 9.7%, pati 24 Oras na may 7.6%, kontra sa TV Patrol na 6.9%.
Wagi naman ang Your Moment na may 10.8%, kontra sa Daddy’s Gurl na 9.2%.
Nakakuha ng 10.2% ang Maalala Mo Kaya, at 8.1% lamang ang Magpakailanman.
Nung Linggo, November 17, ay nag-tie ang Amazing Earth at Rated K sa 9%.
9.2% lamang ang Daig Kayo ng Lola Ko vs. 10.8% ng Parasite Island.
Waging-wagi ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 17.5%, kontra sa Super Blockbusters ng ABS-CBN na 3.7% lamang.
Winner pa rin ang The Boobay and Tekla Show na may 4.4%, kontra sa Gandang Gabi Vice na 3% lamang.
Panalo rin pala ang anniversary episode ng Bubble Gang noong Biyernes, November 15, na nakakuha ng 5%, at ang katapat na Terrius ay naka-4.6%.
NOEL FERRER
Hindi makapapayag si Vice Ganda na makabog siya!
Asahan ninyong mag-iingay pa iyan, lalo pa’t may record siyang kailangang i-maintain, sa TV man o sa pelikula!
Teka, ganyan ba kung OK ang lovelife? Nakakaapekto nga ba sa ratings?
I don’t think so.