The Annulment, maganda ang resulta sa takilya; paano kaya ang ibang Pinoy films?

by PEP Troika
Nov 19, 2019

JERRY OLEA

Nanguna ang Ford v Ferrari sa finish line ng takilya sa North America nitong nakaraang weekend, Nobyembre 15-17.

Humamig ng $31.5M sa mga sinehan ng US at Canada ang bagong bukas na sports drama movie nina Matt Damon at Christian Bale.

Napag-iwanan sa karera ang bagong bukas ding Charlie’s Angels, na $8.4M ang opening weekend gross. Ang production budget pa naman nito ay $48M.

Umabot na sa $1B ang worldwide gross ng Joker. Ito ang kauna-unahang R-rated movie na umabot sa ganoong milestone.

Continue reading below ↓

Kasabay ng Ford v Ferrari at Charlie’s Angels na nag-open sa Pilipinas noong Nobyembre 13 ang Pinoy films na The Annulment nina Lovi Poe at Joem Bascon, The Art of Ligaw nina Epy Quizon at KZ Tandingan, at Two Love You nina Yen Santos, Lassy Marquez at Hashtag Kid Yambao.

Bukas, Nobyembre 20, showing na sa bansa ang musical na Damaso, ang lesbian movie na Adan, at ang computer-animated musical fantasy film na Frozen 2.

Tinatayang $100M ang magiging opening weekend gross ng Frozen 2 sa North America. Favorable ang karamihan sa reviews dito.

Aba! Ang teaser trailer ng Frozen 2 ay naka-116.4M views in 24 hours. Oh, yes!

Nag-compose muli ng mga awit para sa Frozen 2 ang mag-asawang Robert Lopez at Kristen Anderson-Lopez.

Sila ang lumikha ng kantang "Let It Go."

May dugong-Pinoy si Robert. Ang lolo niya ay Pilipino. Ang lola niya ay Pinay-Scottish-American.

NOEL FERRER

Umalagwa kahit papaano ang The Annulment, pero medyo matumal ang dating ng moviegoers sa iba pang local films.

Continue reading below ↓

Ano ito, nag-iipon na ba sila para sa 45th MMFF?

Sana naman tangkilikin pa rin nila ang mga pelikulang lokal. Ang dami pa namang nakalinyang magbubukas bago mag-Pasko!

Sa Nobyembre 27 magso-showing ang Unbreakable nina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Richard Gutierrez, pati ang horror film na The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador, at ang reality movie na Kings of Reality Shows: The Untold Story.

Lord, help us!

GORGY RULA

Noong nakatsikahan namin ang Regal matriarch na si Mother Lily sa mediacon ng The Heiress, happy siya sa box-office results ng The Annulment.

Sabi ng ilang sources namin, as of Sunday, November 17 ay halos P10M na ang kinita nito.

Kung patuloy pa itong papasukin ng mga manonood sa mga darating na araw, puwede siyang maka-P15M.

Malakas iyan sa hanay ng mga pelikulang ipinalabas ng Regal Entertainment this year.

Ang Damaso at Adan, parehong wala gaanong malaking artista.

Continue reading below ↓

Tingnan natin ang Damaso kung susuportahan ng mga estudyante, at kung katomboyan at kalalakihan naman ang crowd ng Adan.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, mabisa pa rin sa takilya ang The Annulment.

Kaya sana, dito na muna tayo mag-focus sa mga pelikula natin. Keber ko sa foreign films na iyan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results