Big stars ng Unbreakable at 3Pol Trobol, paano ang billing sa poster?

by PEP Troika
Nov 20, 2019
Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Richard Gutierrez, masusuri ang billing sa poster ng Unbreakable. Billing nina Coco Martin, Ai Ai delas Alas, at Jennylyn Mercado sa 3Pol Trobol sinuri rin.
PHOTO/S: Unbreakable / 3Pol Trobol

JERRY OLEA:

Gaano kaimportante ang salitang “and” o ampersand (&) sa billing ng isang artista?

Sa official poster ng pelikulang Unbreakable, magkakasinlaki at above the title ang mga pangalan ng tatlong bida.

Nasa first line ang names nina Angelica Panganiban and Bea Alonzo.

Nauna ang pangalan ni Angelica saka idinugtong ang “and” bago ang pangalan ni Bea.

Nasa second line ang pangalan ni Richard Gutierrez na ka-love triangle ng dalawang aktres. Walang makikitang "and" sa hanay ng pangalan ng aktor.

Below the title, nakalagay na “special participation” sa isang hanay ang names nina Ian Veneracion, Rosanna Roces, and Ms. Gloria Diaz.

May “and” bago ang pangalan ni Ms. Gloria. Oo, may “Ms.” before Gloria’s name.

Sa unang nakita kong poster ng pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, pangalan lang ng tatlong bida ang above the title.

Sa first line, magkahilera at magkasinlaki ang names nina Ai-Ai de las Alas at Jennylyn Mercado.

Continue reading below ↓

Sa second line, mas malaki ang pangalan ni Coco at may “AND” bago ang pangalan nito.

Below the title, magkakahanay at magkakasinliit ang mga pangalan ng ibang cast members na Sam Milby, Edu Manzano, Tirso Cruz III, at Rowell Santiago. Walang “and” before Rowell’s name.

Sa ikalawang version ng poster ng movie na nakita ko, anim na artista na ang above the title ang billing.

Nasa first line ang mga pangalan nina Sam Milby, Edu Manzano, at Tirso Cruz III—in that order at magkakasinlaki ang font.

Nasa second line na slightly bigger ang names nina Ai-Ai de las Alas at Jennylyn Mercado, in that order.

Nasa third line ang prominent na pangalan ni Coco Martin, na siya lang may “and” sa unahan ng pangalan nito.

Wala na sa billing ang pangalan ni Rowell Santiago. Official poster na ba iyon?

Kung anu’t ano man, panonoorin ko sa Nobyembre 27 ang Unbreakable, at hopefully ay mapanood ko rin agad sa Pasko ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Continue reading below ↓

Inaasahan kong dudumugin ng moviegoers ang mga pelikulang ito.

NOEL FERRER:

Kung secure ka sa yung stature, hindi mo kailangang hingin ang billing.

Ibibigay iyan nang kusa sa ‘yo, depende sa pagpapahalaga sa ‘yo ng mga kasamahan mo sa trabaho.

Nangyari na sa akin at talents ko ‘yan.

Ang attitude ko sa billing is that—it reflects on the person who gives and asks for it.

The audience knows better!

GORGY RULA:

Pero minsan, Sir Noel, kailangan mo ring ipaglaban ang pangalang binuo mo, e.

Ang manager na siguro ang dapat magtrabaho niyan, hindi ang artista.

Alam ko, si Tita Annabelle Rama, mabusisi sa ganyan.

Dito sa Unbreakable, obvious na priority ng Star Cinema ang mga artistang pinasikat nila sa ABS-CBN.

Siguro napapayag na rin ang kampo ni Richard sa ganoong billing dahil kung babasahin mo naman, parang nasa pangalawa na ang pangalang Richard Gutierrez kahit nasa second line siya.

Ang mahalaga, pareho sila ng laki ng font ng kanilang mga pangalan sa poster.

Continue reading below ↓

At kung tingnan mo rin sa isang anggulo, nag-iisa lang din si Richard sa linya niya.

Dito naman sa 3Pol Trobol, wala na tayong magagawa dahil si Coco ang producer.

Tingin ko naman diyan, okey na yung second poster, pero sana, may "and" bago ang pangalan ni Edu Manzano at tinanggal na ang "and" kay Coco Martin.

Iyong pangalan kasi ni Coco ang may pinakamalaking font, at nag-iisa lang siya sa linyang iyon, at malapit pa sa title.

Baka kasi hindi lang na-gets ng karamihang readers natin ang isyu sa billing, pero mahalaga po ito lalo na kung may napatunayan na sa box-office ang co-stars ng bidang artista.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Richard Gutierrez, masusuri ang billing sa poster ng Unbreakable. Billing nina Coco Martin, Ai Ai delas Alas, at Jennylyn Mercado sa 3Pol Trobol sinuri rin.
PHOTO/S: Unbreakable / 3Pol Trobol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results