Rap Fernandez, magpi-pitch ng concepts para sa iWant

by PEP Troika
Nov 20, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tatlong konsepto ang ipi-pitch ni Rap Fernandez sa mga bossing ng iWant TV ngayong Nobyembre 20, Miyerkules.

“Sana, tanggapin nila para maging show,” sabi ni Rap nang mag-guest sa FB live broadcast ng Take It! Take It! Per Minute (Me Ganun?) nitong Nobyembre 19, Martes, sa Obra ni Nanay Gallery, Sct. Gandia St., Quezon City.

Nilinaw ni Rap na konsepto pa lamang ang mga iyon na siya ang magsusulat. Puwedeng siya ang magdirek, puwede ring iba.

“Basta involved ako. Gusto kong bantayan,” sambit ni Rap.

Nakalimutang dalhin ni Rap ang painting na gawa niya.

Ibibigay sana niya iyon sa hosts ng Take It! Take It! Per Minute (Me Ganun?) na sina Manay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin, at Mr. Fu.

“Dadalhin ko rito next Tuesday,” pangako ni Rap.

Dagdag niya, “Iyong ibibigay ko sa inyo, ang worth niya ngayon, mga nasa P10K, ganoon... Siguro, in 10 years, nasa P100K na.”

Continue reading below ↓

Tumalak ang 72-anyos na si Manay Lolit, “Naku, huwag na! Huwag na!

"Bigyan mo na lang kami ng pera! Hindi ko na mahihintay ang 10 years!"

Tawa nang tawa sina Rap, Tita Cristy, at Mr. Fu.

Inaayos nina Rap at Renz Fernadez ang archive at filmography ng parents nila na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Sabi ni Manay Lolit, nabili na ng Star Cinema ang movies ni Daboy (palayaw ni Rudy).

Nanawagan si Rap kung sino ang may kopya ng pelikula nina Daboy at Alma Moreno na Bitayin Si .... Baby Ama! (1976).

Nais nilang ma-remaster at ma-restore ito.

GORGY RULA

Maraming magagandang ideas si Rap, sa totoo lang. Kaya puwede talaga siyang magdirek ng pelikula.

Malaki ang nagawa niya sa documentary film ng papa niya, yung The Last Pinoy Action King.

Hindi ko lang nakuha ang buong detalye, pero napansin ang docu film na ito sa isang film festival sa Australia.

Continue reading below ↓

Ang isa pang naalala ko, noong nasa deathbed niya si Kuya Rudy, may nakalagay roon na camera kung saan documented ito lahat ni Rap.

Sabi niya sa akin noon, hindi pa raw niya kayang panoorin. Hindi ko lang alam kung nasaan na yun at kung napanood na ba niya.

Wala pa akong balita kung saan niya yun gagamitin. Pero marami siyang plano sa mga naiwang pelikula ng papa niya.

Kasi, sobrang organized ni Kuya Rudy. Ang mga pelikula niya ay may record at may kopya siya ng poster na nakatago.

Kaya siguro gagamitin yun ni Rap sa kung ano mang susunod niyang plano.

Sana makakuha nga siya ng kopya ng Bitayin Si... Baby Ama, kung saan dito nabuo si Mark Anthony Fernandez.

Napanood kaya ito ni Mark?

NOEL FERRER

Matindi ang artistry ni Rap at mukhang pang-long term na pagpe-preserve ng legacy ng tatay niya ang kanyang magandang pakay.

Sana ipagpatuloy niya ito, maliban sa pagpu-pursue ng husay niya sa likod ng camera! Go,

Continue reading below ↓

Creative Rap, suportado ka namin diyan!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results