Ai-Ai delas Alas, di isyu ang billing sa pelikula nila ni Coco Martin

by PEP Troika
Nov 20, 2019
Ai-Ai delas Alas on Coco Martin as director: "Perfectionist yun. Ako, ibinibigay ko yung tiwala ko sa kanya as director. Hindi naman siya demanding. Cool lang, nasa tama lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi isyu kay Ai-Ai delas Alas ang billing sa MMFF 2019 entry nila nina Coco Martin at Jennylyn Mercado na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Si Coco ang bida, siya ang producer at director, kaya okay lang sa kanya yun.

Hindi raw naapi si Ai-Ai sa pelikula dahil tiniyak daw ni Coco na meron siyang moment at mga eksenang mala-Tanging Ina.

“Nilagyan niya ako ng moment. Bida-bida rin ako dun,” nakangiting pakli ni Ai-Ai nang nakatsikahan ng PEP Troika sa renewal ng kontrata niya bilang endorser ng Hobe Special Bihon ng MFC Products nitong Nobyembre 20, Miyerkules.

First time niyang makatrabaho sa isang pelikula si Coco na bukod sa co-actor niya at producer, director pa niya ito.

Tuwang-tuwa siya dahil kinuha siya ni Coco.

Puring-puri ng Kapuso Comedy Queen ang style ni Coco sa pagdirek, kahit alam niyang stressed na ito sa paglalagare ng ginagawa niyang pelikula at FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

“Hyper yun, si Baby Boy Coco. Gusto niya, mabilis, pak pak pak!

“Gusto niya maaga, para maaga rin natatapos para maaga rin makapagpahinga ang mga artista,” papuri niya kay Coco.

Dahil direktor niya si Coco, kailangang sundin ni Ai-Ai ang instructions nito dahil nakikita niyang alam nito ang ginagawa.

“Perfectionist yun. Ako, ibinibigay ko yung tiwala ko sa kanya as director.

“Hindi naman siya demanding. Cool lang, nasa tama lang.

“Siyempre, nakikisama ako na kung ano yung gusto niya, yun ang gagawin ko.

“Bihira lang naman niyang ikorek, siguro mga dalawang beses lang…tini-take two lang niya, na ‘Mommy mas maganda ‘to.’

"'O sige, sig, ulitin natin kasi parang hindi nga ako magaling dun sa part na yun,'” masayang lahad ni Ai-Ai.

Natural daw na kapag MMFF, talagang nakikipaglaban ang pelikula nila sa entry ng ilang kaibigan, kagaya ni Vic Sotto.

Pero ayaw na ni Ai-Ai magpa-pressure kung aling pelikula ang magiging topgrosser.

Continue reading below ↓

“Bahala na siya. Siya naman ang bida dun.

"Ayoko nang makisali sa pressure, okay na yun.

“Puwede naman sabihing... uy, tatlo kami diyan,” natatawa niyang pahayag.

Siyanga pala, panlimang taon na itong renewal ni Ai Ai sa Hobe, at malaki ang pasasalamat niyang nandiyan pa rin ang tiwala sa kanya.

NOEL FERRER

Totoo naman ang sinabi ni Ai Ai na humataw sa latter half ng pelikula, kung saan tumodo talaga si Coco sa aksyon at pag-aayos babae.

Bagong kombinasyon ito, na sana ay mai-promote nang maayos sa dalawang networks.

JERRY OLEA

Nakakalungkot ang sinapit sa takilya ng mga pelikulang pinagbidahan ni Ai-Ai ngayong 2019 — SONS: Sons of Nanay Sabel, Feelennial, at And Ai Thank You.

Mukhang babawi siya sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kung saan co-stars niya sina Coco at Jennylyn. Nakakaaliw ang teaser ng movie, huh?!

Masaya naman si Ai Ai sa kanyang love life, at sabi nga niya, wala na siyang kailangang patunayan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on Coco Martin as director: "Perfectionist yun. Ako, ibinibigay ko yung tiwala ko sa kanya as director. Hindi naman siya demanding. Cool lang, nasa tama lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results