Bunsong anak ni Sunshine Cruz, ibinuking na P200 ang baon nila kada araw

by PEP Troika
Nov 21, 2019
Sunshine Cruz (second from left) with daughters Samantha, Angelina, and Chesca.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Ibinuking ng bunsong anak ni Sunshine Cruz na si Chesca Cruz kung magkano ang baon niya sa school.

“Sometimes we get baon for school ... P200 every day,” sabi ng 13-anyos na si dalagita sa mediacon ng EM-CORE DOTNET nitong Nobyembre 20, Miyerkules, sa Annabel’s, Morato Avenue, Quezon City.

Napatili ang ina niyang si Sunshine, “Pinagpawisan ang kili-kili ko!”

Natawa ang mga ate niyang sina Angelina at Samantha, at natawa na rin si Chesca, “We get baon for school, and I’d like to save P150 every day but sometimes, we like making drive-throughs. We spend it.”

Wala raw silang access sa kanilang savings account kaya ipon lang sila nang ipon.

Kapag nagha-hang out sila kasama ang kanilang friends, hindi na sila humihingi ng pera kay Sunshine dahil may naiipon sila sa mga baon nila.

Proud na napangiti si Sunshine, “Yes, mababait sila, nag-iipon!

"Di ba, pag magha-hang out sila with their friends, kunyari malapit na ang Valentine, binibigyan nila ako ng gift, birthday, Christmas... pinag-iipunan nila iyon talaga.

Continue reading below ↓

“Iyon ang nakakatuwa sa kanila. And I’ve always told them na... ang mahalaga kasi sa amin ngayon, ang priority namin, iyong mga needs.

“Ngayon, pag meron pang mga extra, may mga raket si mommy, or merong mga pumasok na bagong endorsement, that’s the time na syempre, ibinibigay ko naman ang mga wants nila.

“Plus, of course, every year, I see to it na nagta-travel kami out of the country. Iyon ang isa sa mga pinag-iipunan ko.

“Yeah, iyong makasama ko silang mag-travel out of the country. Kasi, gusto ko na ma-experience nila iyon, na makapag-bond kami.”

OK lang kay Sunshine na magtuluy-tuloy na ang pagso-showbiz ng kanyang mga anak basta hindi pababayaan ng mga ito ang kanilang pag-aaral.

“Kasi, sinasabi ko naman sa kanila yun, ‘I don’t need your money,’ sabi ko.

"‘Kaya ko namang mag-provide sa inyo for now. So, kung ano iyong pera ninyo, sa inyo ‘yan.’

“Abonado pa nga ako! Di ba? So, parang ang sa akin, ang mahalaga talaga sa akin, ang pag-aaral nila.

Continue reading below ↓

“Tapusin nila ang pag-aaral nila. Kung gusto nilang mag-artista, magdire-diretso, I’ll be here to support you.

“But studies first muna!” pagdidiin pa ni Sunshine.

NOEL FERRER

Not bad ang P200 per day na baon.

Somehow, noong estudyante tayo, nakukuha pa nating magtipid para lang may panggastos sa mga hilig natin—ako sa mga libro, DVDs, cassette tapes at CDs noon.

Ano naman kaya ang reaksiyon ng amang si Cesar Montano?

Alam ko, galante si Cesar, ha?!

OKna ba sina Sunshine at Cesar sa paraan ng pagpapalaki sa mga anak nila?

GORGY RULA

Cool mom si Sunshine. Open siya sa kanyang mga anak at binibigyan niya ng kalayaan kung ano ang gusto nilang gawin, huwag lang abuso at mang-agrabyado ng ibang tao.

Siya rin ang nagtatanggol sa mga anak niya kapag naba-bash sila.

Di ba, minsan ay nag-react si Sunshine sa comments ng ilang netizens na bakit daw hinahayaan ni Sunshine na pagsuotin ng swimsuit at ipinu-post sa social media.

Continue reading below ↓

“Anong magagawa ko kung nagsu-swimming?” buwelta ng aktres.

“Alangan namang mag-duster sila o mag-dress. It’s already 2019, hello?

“Pabayaan mo kung gusto nilang mag-swimsuit. Kung ang iba naman, nagsu-swimsuit, bakit naman ang mga anak ko, hindi magsi-swimsuit?

“May freedom sila as long as wala silang sinasaktang mga tao.

“Maayos ang grades nila. Hindi sila gumagawa ng kung anu-anong kalokohan. Teenagers' yan,” sabi pa ni Sunshine nung nakatsikahan namin sa mediacon ng The Heiress.

Open din si Sunshine kung meron nang gustong manligaw sa panganay niyang anak na si Angelina na kae-18 lang.

“Basta aakyat ng ligaw sa bahay. Huwag sa labas.

“Kahit mga millennials pa 'yang mga 'yan, huwag kayong magkita sa labas. Doon kayo sa bahay.

“Gusto kong makilala yung nanliligaw sa kanila,” dire-diretso niyang pahayag.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz (second from left) with daughters Samantha, Angelina, and Chesca.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results